in

Fase 3 – Narito ang mga pagluluwag simula June 15

Inilathala sa Official Gazette ang dekreto na nagtataglay ng mga bagong panuntunan na ipatutupad simula June 15 hanggang July 14. 

Ang DPCM ng June 11 na pinirmahan ni prime minister Giuseppe Conte ay bahagi ng unti-unting pagtatanggal ng lockdown sa bansa ngunit nananatiling may restriksyon pa rin. Partikular, nananatili ang  pagsusuot ng mask sa mga saradong lugar o indoors. Nananatiling ipinagbabawal ang ‘assembramento’ o ang pagtitipon-tipon at mahigpit pa ring ipinatutupad ang social distancing.

Gayunpaman, ang pagpapatupad ng dekreto ay maaaring iba-iba sa bawat rehiyon batay sa sitwayson ng mga ito. 

Simula June 15 ay muling magbabalik ang entertainment at amusement. Pinahihintulutan na ang pagbubukas ng mga theaters at concert halls na may limitasyon ng 1,000 katao kung outdoor at 200 katao naman kapag indoor. Kaugnay nito, malinaw na nasasaad sa dekreto na ang mga rehiyon at probinsya ay maaaring magtalaga ng ibang petsa ng muling pagbubukas. 

Samantala hanggang June 30 ay maaaring magbiyahe hanggang sa mga bansa ng European Union, Schengen Treaty at United Kingdom. Muling magbubukas ang 25 airports sa bansa ngunit nananatiling hindi maaaring madala ng hand luggage

Magbubukas na din ang mga palaruan o play ground kahit sa mga batang may edad na 0-3 years na may kasamang 1 adult. Magbubukas na din ang mga centri estivi o summer center sa kundisyon ng 1 animator sa bawat 5 bata na may edad mula 0 hanggang 5 taong gulang. 

Ang mga sagre o town festivals ay pinahihintulutan hanggang sa limitasyong pinahihintulutan ng assembly ban o assembramento.

 Ang mga sala giochi o arcades at bingo houses ay muling magbubukas sa ilang rehiyon. 

Nananatiling sarado ang mga disco houses. Sa katunayan ay ipinagpaliban din ng gobyerno ang pagbubukas ng mga sale da ballo sa July 15 – indoor at outdoor. Muli, malinaw na nasasaad sa dekreto na ang mga rehiyon at autonomous provinces ay maaaring magtalaga ng ibang petas batay sa sitwasyon. Halimbawa, sa Campania ay muling nagbubukas ang mga discohouses sa pagkakaroon ng mga limitasyon. Ipinagbabawal pa din ang mga fairs at conferences – indoor at outdoor – at kahit sa kasong ito ay may pagkakaiba sa mga rehiyon. Halimbawa sa Lazio, simula June 15 ay may pahintulot na ang fairs, conferences at mga ceremonies.

Wala pang pahintulot ang calcetto. Bagaman may pahintulot na ang national sports competition ngunit ang mga ito ay nananatiling closed doors. Para sa contact sports naman ay kakailanganing maghintay hanggang June 25 pati ang pahintulot mula sa mga rehiyon.

Bawal pa rin ang pagpunta sa cruise hanggang July 14

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Philhealth Advisory 037, binatikos ng mga OFW sa Italya

Regularization, extended ang deadline ng aplikasyon