Extended hanggang July 31, 2020 ang suspensyon ng Italya sa mga direct at indirect flights, mula at patungo sa 13 mga itinalagang non-Europeans countries. Matatandaang unang inanunsyo ni italian health minister Roberto Speranza na ang suspensyon ay magtatagal lamang ng isang linggo, mula July 7- 14.
Ito ay matapos ilathala ngayong umaga sa Official Gazette ang DPCM ng July 14, 2020 kung saan nasasaad ang pagpapalawig ng mga hakbang na kasalukuyang ipinatutupad sa bansa hanggang July 31, 2020 upang matugunan at labanan ang emerhensyang hatid Covid-19.
Kabilang sa mga ito ang pagsuspinde sa mga direct at indirect flights mula at patungo sa 13 bansang non-Europeans.
Bukod dito, ipinagbabawal ang pagpasok at pagbiyahe sa Italya ng mga taong sa huling 14 na araw ay nananatili o nagkaroon ng stop-over sa 13 non-European countries: Armenia, Bahrain, Bangladesh, Brazil, Bosnia Herzegovina, Chile, Kuwait, North Macedonia, Moldova, Oman, Panama, Peru, Dominican Republic.
Basahin rin:
- Mga bumalik mula sa Pilipinas, bakit pinagbabawalang sumakay ng treno sa Italya?
- Permesso di Soggiorno, nag-expired habang lockdown sa Pilipinas. Kakailanganin ba ang re-entry visa sa pagbalik sa Italya?
“Ito ay ang mga bansa na itnuturing na ‘high risk’ dahil sa mataas na bilang ng mga positibo at mahinang sistema na prebensyon at kontrol”, ayon kay Italian health minister kasabay ng anunsyo ng mas mahigpit na kontrol sa mga airports, ports at mga frontiers.
Bukod dito, nananatiling ipinatutupad ang 14day quarantine – fiduciary isolation at health surveillance – sa lahat ng mga darataing sa Italya mula sa mga non-European countries.
“Partikular ang atensyon sa mga oras na ito, sa pagdating ng mga refugees at sa lahat ng mga papasok sa bansa, para sa mas mahigpit na kontrol”, dagdag ni Speranza. (PGA)