Simula July 15 ay ipinatutupad ang pagpapalawig sa mga preventive measures sa bansa hanggang July 31, 2020 upang matugunan at labanan ang emerhensyang hatid ng Covid-19. Ang DPCM ng July 14, 2020 ay opisyal na inilathala sa Official Gazette.
Basahin din: Narito ang mga pagluluwag simula June 15 hanggang July 14
Partikular, kinukumpirma ng DPCM ang pagsusuot ng mask o masherina sa loob ng mga saradong lugar o indoors, partikular sa mga public places, public transportation, sinehan, theaters at museums. Ang mask ay kailangang gamitin o isuot kung saan hindi posibleng masunod ang social distancing.
Nananatiling ipinagbabawal ang assembramento o ang pagkakakumpol-kumpol ng mga tao o social gathering at mahigpit na pagpapatupad ng social distancing.
Gayunpaman, ipinapayo na ugaliin ang pagdadala palagi ng mask, sa mga bag o buksa, kung saan madali itong kunin, sa kasong kakailanganin ito sa lugar kung saan ang social distance ay hindi masusunod.
Bukd sa mga preventive measures, ang DPCM, ay naglalaman din ng guidelines sa pakikipagtulungan ng mga Regioni ukol sa public transportation at ang pagpapalawig sa pagsasara sa 13 non-Schengen countries.
Sanitation ng mga treno, eroplano at barko ayon sa pamantayan ng Ministry of Health: mula sa mga dispenser, hanggang sa pagkuha sa body temperature na hindi lalampas sa 37.5 degree. Ang sinumang may sintomas ng respiratory infection ay huwag pahintulutang sumakay, ang paggamit ng mask, social distancing maliban na lamang kung miyembro ng pamilya at magkakasama sa iisang bahay. Partikular, ang mga long distance na biyahe kung saan mas magkakalapit ang mga pasehero ay kailangang garantisado ang pagpalit ng hangin – natural na paraan man o sa pamamagitan ng aircon – at ang pagpalit ng mask tuwing apat na oras (bagay na dapat gawin kahit sa eroplano). Nagbabalik din ang food service sa mga long-distance travel sa treno.
Gayunpaman, ay ibinabalik ang paggamit ng overhead luggages at samakatwid ay muling may pahintulot ang paggamit ng trolley sa mga eroplano. Ipinapayo na patuloy na iwasan ang anumang uri ng ‘assembramento’ o pagkakakumpol-kumpol ng mga pasehero, sa pagpasok at bago lumabas ng eroplano. Nasasaad din ang pagbibigay sa mga pasahero ng disposable bags para sa mga jackets o anumang bitbit na damit ng mga pasahero.
Basahin din: Hand luggages, ipinagbabawal na sa Italya!
Samantala, ang pagbubukas ng mga disco houses (indoors) ay ipinagpaliban sa July 31, 2020. (PGA)