in

Regularization: Pagtatapos ng employment, ano ang dapat gawin?

Ako Ay Pilipino

Sa Joint Circular noong July 24, 2020 ay nagbigay ng mga paglilinaw ang Labor at Interior Ministries ukol sa kasalukuyang Regularization o Sanatoria.

Bukod sa unang inilathala ng Ako ay Pilipino, ay nilalaman din ng Circular ang ukol sa Cessazione del rapporto di lavoro o ang pagtatapos ng employment

Ayon sa Circular, sa kaso ng pagtatapos ng employment dahil sa ‘forza maggiore’ tulad ng pagkamatay ng employer (para sa mga badante o caregiver) o pagkalugi ng kumpanya, ay maaaring ipagpatuloy ang trabaho bilang dipendete ng isang bagong employer.

Para sa domestic job at assistance to person: Ang dayuhang manggagawa ay maaaring i-empleyo ng isa sa miyembro ng pamilya ng namatay na employer. Maaaring baguhin ang uri ng employment sa kundisyong nagtataglay ng mga requirements na hinihingi ng batas. Kailangan lamang gawin ang Dichiarazione di cessazione rapporto at Nuova assunzione sa pamamagitan ng Inps

Para sa Agrikultura, pag-aalaga ng hayop, pangingisda, zootechnics at nauugnay na aktibidad:  Sa kaso ng pagtatapos (cessione) o pagkalugi (fallimento) ay maaaring gawin ang ‘cessione del contratto’ at magpatuloy sa hiring ng dayuhan

Kung hindi naman posible ang ipagpatuloy ang aktibidad bilang dipendente sa pamamagitan ng ibang employer, ay kailangang magpadala ng komunikasyon ng ‘Cessazione del rapport di lavoro’ at mag-aplay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Jeyzel Ann Reyes, itinanghal na Miss Un Volto per Fotomodella

Presidente Matarella, may sagot kay UK Premier Johnson