Simula Oktubre ay sisimulan na ang transition period sa paggamit ng SPID mula PIN, sa website ng Inps.
Samakatwid, para magkaroon ng access sa lahat ng mga online services ng Inps, kasama ang para sa lavoro domestico, ay kakailanganin ang pagkakaroon ng SPID o Sistema Pubblico d’Identità Digitale.
Ito ay tumutukoy sa digital ID o iisang username at password na magpapahintulot sa access sa anumang online service ng Public Administration.
Sa Circular 87 ng July 17, 2020 ng Inps o “Switch-off del PIN Inps in favore del Sistema Pubblico di Identità Digitale (SPID)” – ay nasasaad ang gradual na pagpapalit mula PIN, sa tuluyang paggamit ng SPID.
Sa katunayan, sa transition period ay patuloy na pahihintulutan pa rin ang paggamit ng PIN ngunit hindi na maglalabas ng mga bagong PIN code (maliban sa ilang exemption). At ang PIN na ginagamit na sa access online ay mananatiling balido hanggang sa matapos ang transitory period.
Ang switch-off ng mga PIN ay magaganap sa pagtatapos ng transition period. (PGA)
Basahin rin: