Nagtala muli ng pagtaas sa bilang ang mga bagong infected ng covid19 sa Italya sa huling 24 na oras.
Tumaas muli ang bilang ng mga positibo ngayong araw at umabot sa 1,733 o + 0.63% – mas madami ng 336 kumpara sa bilang kahapon, 1,397.
- Confirmed Cases – 274,644 – (+1,733)
- Active Cases – 30,099 – (+1,184)
- Recovered – 209,027 – (+ 537)
- Deaths – 35,518 – (+11)
- Fiduciary Isolation – 28,371 – (+1,081)
- ICU – 121 (+1)
- With symptoms – 1,607 – (+102)
- Tamponi – 113,085 – (+20,295)
Kaugnay ng patuloy na pagtaas ng mga covid19 infected sa bansa, ay nababahala ang maraming mga magulang sa nalalapit na pagbubukas ng mga paaralan na syang kinakatakutang magiging sanhi umano ng second wave.
Sa katunayan, ngayong araw 60 katao ang isinailalim sa quarantine matapos mag-positibo ang unang mag-aaral sa Marymount International School sa Roma.
Sa kabila nito ay lubos naman ang ginagawang paghahanda nina education minister Lucia Azzolina at health minister Roberto Speranza, at ng CTS – Comitato Tecnico Scientifico na nagbigay ng mga pangunahing gabay/regulasyon na dapat sundin, upang maging ligtas ang mga mag-aaral sa pagsisimula ng klase.
Basahin din: