Simula January 1, 2021, ang mga naka live-in na badante o caregivers, na nasa level BS sa kanilang employment contract ay makakatanggap ng bahagyang increase sa kanilang mga sahod. Partikular, karagdagang € 12,00 kada buwan. Ito ay nasasaad sa bagong Contratto Collettivo del Lavoro Domestico na pinirmahan noong nakaraang Sept. 8, 2020.
Inaasahan din ang katumbas na pagtaas sa sahod para sa lahat ng iba pang mga contractuals, kasama ang mga part-timers. Gayunpaman, ang bagong table ng mga sahod sa sektor ay ilalathala sa Enero 2021.
Ang pagtaas ay mula sa 0.20% ng Istat index sa huling 8 taon, o mula noong 2013 kung kailan huling napirmahan ang Contratto Collettivo del Lavoro Domestico bago ito muling napirmahan nitong 2020. (PGA)
Basahin din:
- Bagong Contratto Collettivo Nazionale sa Domestic sector, pirmado na. Ang nilalaman.
- Antas o lebel sa domestic job ayon sa CCNL
- Pagkakaroon ng sertipiko o ‘patente di qualità’, bagong regulation sa domestic job
- Ang bagong Contratto Collettivo del Lavoro Domestico