Ang Patente di qualità ay nasasaad sa UNI 11766/2019, ayon sa European Qualifications Framework. Ito ay ang bagong regulasyon na ipinatutupad sa domestic job simula noong nakaraang December 2019.
Ito ay tumutukoy sa isang sertipiko na ibinibigay sa mga colf, babysitter at caregiver matapos sumailalim sa oral at written exam kung saan patutunayan ng domestic worker ang pagkakaroon ng sapat na kwalipikasyon sa sektor, partikular ang:
- Kaalaman
- Abilidad
- Kakayahan
At batay sa bagong CCNL na simulang ipatutupad mula October 1, 2020, ay nasasaad ang karagdagang increase hanggang € 10,00 sa sahod ng mga colf, babysitters at badante sa pagkakaroon ng ‘patente di qualità’.
Paano magkakaroon ng ‘Patente di qualità’?
Upang magkaroon ang mga domestic workers, kabilang ang mga kalalakihan ng tinatawag na ‘patente di qualità’ ay kakailanganin ang pagkakaroon ng 3 pangunahing requirements bago sumailalim sa nasabing oarl at written exam:
- Minimum knowledge ng wikang italyano;
- Certificate of participation sa isang kurso ng 64 hrs sa mga caregivers at babysitters at 40 hrs naman ang mga colf;
- Pagkakaroon ng regular na employment contract bilang domestic worker na hindi bababa sa 12 buwan sa huling 3 taon.
Ayon sa Assindatcolf, ang isang Colf na may patente di qualità ay:
- Alam ang tamang pag-uugali sa pagtatapon ng basura o ang tamang paraan ng ‘raccolta differenziata’. Halimbawa, ang paglilinis muna o pagtatanggal ng etiketa sa mga garapon bago ito itapon at alam din ang tamang lugar para sa bawat basurang itatapon;
- Kilala ang angkop na detergent na dapat gamitin sa paglilinis ng bahay;
- Ang tamang pag-uugali ng pagbabasa muna sa mga etiketa ng mga produkto bago ito tamang gamitin sa paglilinis;
- Alam ang tamang pagliligpit ng mga detergents sa paraang ligtas kung saan hindi maaabot ng mga bata;
Samantala, ang mga Babysitter naman ay:
- May kakayahang bigyan ng pagkain ang mga alagang bata sa tamang paraan at hindi delikado;
- Alam kung saan ang tamang lugar ng pagpapakain: sa high chair o sa lamesa mismo, ng hindi lilibangin sa pamamagitan ng telebisyon;
- Alam ang tamang laki o misura at alam din ang tamang paraan ng paghiwa ng mga gulay at prutas;
- Alam alagaan ang bata mula sa pagpapakain hanggang sa pagpapaligo;
- Alam ang tamang temperatura ng tubig sa pagpapaligo at hindi iniiwan ang bata kahit isang saglit;
- May kakayahang panatilihin ang kalinisan ng lahat ng gamit ng inaalagaang bata;
Para sa mga Badante, ang mayroong patente di qualità ay:
- Hindi sumusunod lamang sa matandang inaalagaan bagkus ay tinutulungan ito, inaakay kahit sa pamimili at paglalakad;
- Alam kung nasaan ang bangko, supermarket, post office, pharmacy, ospital at iba pang mahalagang lugar;
- Marunong sa public transportation sakaling dapat samahan ang inaalagaang matanda;
- Marunong din mag-drive sa tamang paraan;
- Alam kung paano maiiwasan ang emerhensya at alam din ang tamang paraan upang harapin ito;
- Alam ang mga pangunahing pag-uugali sa loob ng bahay tulad ng hindi pagbibigay pahintulot sa paglabas ng matanda sa oras na mataas ang araw at ang ugaling pagla-lock ng pinto palagi;
- Mayroong listahan ng mga dapat tawagan sa kaso ng emerhensya tulad ng ambulansya, pulis at mga kapamilya ng inaalagaang matanda;
- Marunong ng tamang paraan ng pagpapainom ng gamot sa pamamagitan ng pagsunod sa tagubilin ng pamliya ng inaalagaan o ng duktor nito;
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa libreng kurso sa pagkakaroon ng patente di qualità, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Assidatcolf – 06/ 32.65.02.84 o nazionale@assindatcolf.it (PGA)
Basahin din:
- Bagong Contratto Collettivo Nazionale sa Domestic sector, pirmado na. Ang nilalaman.
- Antas o lebel sa domestic job ayon sa CCNL
- Pagkakaroon ng sertipiko o ‘patente di qualità’, bagong regulation sa domestic job
- Ang bagong Contratto Collettivo del Lavoro Domestico