in

Pagbabago sa bagong CCNL, ipinaliwanag ni Teresa Benvenuto ng Assindatcolf

Mas mahabang probation period, dagdag sahod at nabawasan din ang kontribusyon para sa night shift ng mga caregivers

Ito ang ilan sa mga pangunahing nilalaman ng bagong CCNL ng domestic job, na napirmahan noong nakaraang Sept. 8 ng Assindatcolf (Associazione Nazionale dei Datori di Lavoro Domestico), kasama ang Federazione Italiana Fidaldo at ilang social action groups representatives.

Ito ay ayon sa isang post ni Teresa Benvenuto, ang National Secretary ng Assindatcolf. 

Ang mga pagbabagong hatid ng bagong CCNL ay ipapatupad simula Oct. 1, 2020 – paliwanag ni Benvenuto – at sinisigurado nito ang pagbibigay ng higit na karapatan sa tinatayang 860,000 regular na manggagawa sa sektor, pati na rin ang bentaheng hatid nito para sa mga pamilyang employers (higit sa 2 milyon) at partikular sa mga pamilya na may malalang disabilities at mga non auto-sufficienti o non-autonomous. Bukod sa sakripisyo, kahit pinansyal, na hinaharap ng daan-daang libong mga pamilya, nasasaad din sa CCNL ang pangangailangan sa higit sa 24 oras na pag-aaalaga sa isang araw. Sa katunayan, simula sa Oktubre, ang kontribusyon para sa ‘discontinue prestazioni notturne’ (art. 10) at para sa ‘prestazioni esclusivamente di attesa (art. 11) ay babayaran batay sa oras na napagkasunduan ng 2 partes na 8 oras kada araw sa unang kaso, na nagpapahintulot na makatipid ng 24 na oras kada linggo ang mga pamilya at 5 oras naman sa ikalawang nabanggit, na nabawasan ng 36 na oras”. 

“Para naman sa mga domestic workers – patuloy ni Benvenuto –  simula January 1, 2021, ay makakatanggap ng karagdagang sahod upang mabawi ang halaga ng ‘potere d’acquisto’ simula 2016. Ang average amount na kinalkula para sa mga caregivers (autosufficienti) na naka-live in ay € 12 kada buwan para sa 13 buwan. Inaasahan din ang parehong increase para sa lahat ng mga ‘assistenti familiari’, ang bagong tawag sa mga colf, badanti at babysitter dahil tinatanggal na ng bagong CCNL ang dating tawag dito. Ang mga caregivers naman na nag-aalaga ng dalawa o higit na matanda sa iisang bahay ay may karapatan sa € 100 increase kada buwan”. 

Samantala, para sa mga babysitter naman – dagdag pa ni Benvenuto – na sa nakaraan ay mayroong dalawang lebel batay sa edad ng inaalagaang bata, na normal na may mataas na sahod kung ang inaalagaan ay non-autosufficienti o non-autonomous. Pinasimple ito ng bagong CCNL at nasasaad ang iisang lebel, ang Bs, na may balidong sahod ang sinumang nag-aalaga ng mga autosufficienti na mga bata”. (www.stranieriinitalia.it)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Coronavirus sa Europa, malalang sitwasyon” – WHO

Ako Ay Pilipino

30 araw na probation period sa live-in job, itinalaga ng bagong CCNL