in

Ano ang Idoneità Alloggiativa?

Sa Italya, ang Idoneità Alloggiativa ay isang sertipiko na nagpapatunay na angkop ang tinutuluyang bahay bilang tirahan at tumutugon ito sa mga hinihingi ng batas. 

Ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng sapat na sukat o laki, nagtatalaga ng mga pangunahing pamantayan sa kalusugan at kalinisan, tulad ng sapat na pagpasok ng hangin, mayroong exhaust fan sa kusina at banyo at may sistema ng pagpapa-init o heater kapag taglamig. 

Basahin din: Ang tamang sukat ng bahay sa pag-aaplay ng family reunification

Bilang isang dayuhan sa Italya, ang idoneità alloggiativa ay isang mahalagang dokumentasyon sa pagkakaroon ng mga sumusunod na dokumento:

  • Permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo;
  • Contratto di soggiorno per lavoro subordinato;
  • Ricongiungimento familiare o Coesione familiare;
  • Visto ingresso per lavoro autonomo;
  • Regolarizzazione/Emersione/Sanatoria

Anu-ano ang mga requirements upang magkaroon ng Idoneità Alloggiativa?

  • Balidong dokumento, Permesso/Carta di soggiorno;
  • Kopya ng atto di locazione (comodato d’uso o proprietà dell’immobile);
  • Dichiarazione di ospitalità;
  • Planimetria e destinazione d’suo 
  • Marca da bloo € 16,00

Ang marca da bollo na € 16,00 ay ididikit sa aplikasyon na ginagawa sa Comune kung saan residente ang aplikante.

Ang halaga ng idoneità alloggiativa ay iba-iba, batay sa Comune kung saan residente. Ito ay maaaring magkahalaga hanggang € 100,00. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ako Ay Pilipino

30 araw na probation period sa live-in job, itinalaga ng bagong CCNL

Mandatory swab test sa sinumang manggagaling ng France