Ayon sa bagong CCNL sa domestic job, hindi na colf o badanti kundi Assistenti familiari ang bagong tawag sa mga domestic workers.
Bukod dito, kabilang sa mga pagbabagong nilalaman ng bagong kasunduan ay ang pagkakaroon ng apat na antas ng trabaho, ang A, B, C, at D at tuluyang tinanggal ang dibisyon ng bawat antas sa 3 uri.
LEVEL A
Ito ay para sa mga Assistenti familiari na walang karanasan sa trabaho. Hindi nito sakop ang assistance to person.
Level A Super:
Ito ay ang antas sa mga tagapag-bantay lamang ng mga autonomous adult person (o autosufficienti).
LEVEL B
Ito ang antas ng mga multi-functional collaborators, house keeper; taga-plantsa, server, gardener; qualified laborer; driver
Level B Super:
Ito ay ang antas ng mga nag-aalaga sa mga autonomous person (matatanda at bata), at sakop din ang trabaho ng paghahanda ng pagkain at paglilinis ng bahay ng inaalagaan.
LEVEL C
Sila ay ang mga Assistenti familiari na may sapat na karanasan sa trabaho at nagtataglay ng kapasidad na nagpapahintulot upang gawin ang mga aktibidad ng responsabile kahit na nag-iisa.
Level C Super:
Ito ay ang antas ng mga Assistenti familiari na nag-aalaga sa mga non-automous person (matatanda at bata), at sakop din ang trabaho ukol sa pagkain at paglilinis ng bahay ng inaalagaan.
LEVEL D
Ito ay nakalaan sa mga manggagawang nagtataglay ng kapasidad at kakayahang mag-desisyon, responsabile sa pagpapatakbo at koordinasyon tulad ng maggiordomo.
Level D Super:
Ito ay ang antas ng mga Assistenti familiari na nag-aalaga ng mga non-autonomous person (matatanda o bata), dumaan sa kurso at mayroong sertipiko. Sakop ng trabaho ang paghahanda ng pagkain at paglilinis ng bahay.
Napapaloob sa Level D Super ang bagong pigura ng assistente familiare educatore formato na layuning tulungan ang mga pamilya ng mga may kapansanan sa pag-iisip o nahihirapan sa pang-unawa at komunikasyon. (PGA)