in

Obligadong pagsusuot ng mask kahit sa outdoor, ibinabalik sa ilang Rehiyon

Obligadong pagsusuot muli ng mask sa outdoor. Ito ang aksyon ng ilang Rehiyon at Comune sa paghahangad na muling bumama ang bilang ng mga kaso at mapigilang muli ang pagkalat ng coronavirus sa bansa. Sa banta ng panibagong lockdown, narito ang mga Rehiyon kung saan muling ipinatutupad ang pagsusuot ng mask:

CAMPANIA

Simula noong nakaraang Sept. 24, ay ibinalik sa Campania ang pagsusuot ng mask sa outdoor sa loob ng 24 oras. Ito ay matapos pirmahan ng presidente ng Campania Region, Vincenzo De Luca, ang isang ordinansa na nagtataglay ng anti-covid preventive measures, na ipatutupad hanggang Oct. 4, 2020. Aniya, kinakailangan na muling maging responsible ang bawat isa, partikular sa muling pagbubukas ng mga paaralan. “Kung nais nating iwasan ang lockdown, ay kailangan ang matinding pag-iingat ng lahat”.

CALABRIA

Obligadong pagsusuot ng mask sa outdoor kahit sa Calabria. Pinirmahan ng president ng Rehiyon, Jole Santelli noong Sept. 25 hanggang Oct 7, 2020 ang bagong ordinansa “upang maiwasan ang emerhensya ng covid19 ay ipinatutupad ang pagsusuot ng mask sa outdoor ng lahat ng mga mamamayan, maliban sa mga bata na may eded 6 pababa, ang mga special children”.

GENOVA

Samantala, muling ibinabalik din ang pagsusuot ng mask sa loob ng 24 oras sa sentro ng Genova matapos pirmahan ang ordinansa noong Sept. 23. “Simula Sept. 25, ang sinumang hindi magsusuot ng mask, o ang sinumang magsusuot sa maling paraan ng mask ay mumultahan mula € 400,00”.

FOGGIA 

Ang patuloy na pagkalat muli ng coronavirus, kahit si Foggia Mayor, Franco Landella, ay nagpalabas din ng ordinansa ng paggamit ng mask kahit sa outdoor simula Sept. 25. Kasabay nito ang pagsasara ng mga commercial establishment tuwing araw ng linggo at holiday, kasama ang 2 mall sa lugar. Excluded sa ordinansa ang may edad na mas bata sa 6 na taong gulang at may kapansanan.

SICILIA 

Kahit sa Sicilia ay ibinabalik ang pagsusuot ng mask sa outdoor. Bukod dito, pati ang muling pagbabawal ng anumang pagkukumpol-kumpol, o social gathering (assembramento). Pinirmahan ng presidente ng Sicilia Nello Musumeci, na ipatutupad simula Sept. 30. “Ang mask ay palaging gagamitin sa outdoor lalo na kung may kasamang ibang tao maliban sa miyembro ng pamliya. Excluded ang sports sa kundisyong napapanatili ang social distance, ngunit obligado ang pagsusuot ng mask matapos ang sport”. 

FORMIA

Kahit ang Comune di Formia (Latina) ay nagpalabas din ng ordinansa sa paggamit ng mask mula sa paglabas ng bahay. Samantala, kung magpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng coronavirus, ay maaaring ibalik din ang pagsusuot ng mask sa outdoor kahit sa Lazio region.

Matatandaang ipinatutupad ang huling DPCM 7 sett, 2020 kung saan nasasaad ang patuloy na paggamit ng mask sa mga saradong lugar o indoors, pati na rin sa outdoor kung saan ang social distance ay nagiging isang hamon para sa lahat at hindi ito maipatutupad. Ang mga bata, anim na taon pababa, pati na rin ang mga special children ay exempted sa obligadong paggamit ng mask. 

Ipinatutupad din ang  paggamit ng mask sa outdoor mula ika-6 ng hapon hanggang ika-6 ng umagaObligado din ang pagsusuot ng mask sa loob ng mga public transportation na ang maximum capacity ay ginawang hanggang 80%. (PGA)

Basahin din:

Anti-covid19 preventive measures hanggang Oct 7, Pinirmahan ni Conte

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kasunduan ng Prefecture at Comune di Milano, magpapadali sa aplikasyon ng Ricongiungimenti Familiari

Mga grupo ng Pilipino, nakiisa sa Race For The Cure 2020 sa Bologna