Pinalawig ng Council of Ministers ang State of Emergency sa bansa hanggang January 31, 2021.
Bukod dito, ang inaprubahang decreto legge Covid, ay pinalalawig din hanggang October 15 ang dpcm Anti-covid19 preventive measures na balido hanggang Oct 7.
Ang dekreto ay inilathala sa Official Gazette kahapon, October 7 at ito ay simulang ipinatutupad ngayong araw, October 8.
Ito ay naglalaman din ng agarang pagbabago o ang obligasyon ng lahat ang magdala palagi ng mask.
Partikular, ang pagsusuot nito sa lahat ng mga saradong lugar o indoor. At ang pagsusuot nito kahit sa outdoor, kung saan ang mga makakasalamuha ay hindi mga kapisan o ka-miyembro ng pamilya.
Excluded sa nabanggit na obligasyon ang mga:
- may edad 6 na taong gulang pababa;
- may kapansanan;
- at mga atleta o mga nagsasagawa ng sports.
Ang hindi pagsunod sa mga nabanggit ay nanganganib ng multa mula € 400 hanggang € 1000. Gayunpaman, nananatiling balido ang mga ipinatutupad sa mga nakaraang buwan tulad ng multa mula mula € 500 hanggang € 5000 sa sinumang kumpirmadong positibo sa covid at hindi susunod sa mandatory quarantine.
Gayunpaman, inaasahan ang paglabas ng bagong DPCM hanggang Oct 15. (PGA)
Basahin din: