Kabi-kabila na naman ang curfew at lockdown na isinasagawa hindi lamang sa Italya kundi pati sa buong Europa.
Dahil sa kawalan pa ng bakuna kontra Covid19 at sa kabila ng pagnanais na iwasan ang pagsasara ng mga bansa dahil sa kinatatakutang paghinto ng ekonomiya, ang lockdown ang itinuturing na isa sa epektibong paraan upang makontrol ang mabilis na pagkalat ng sakit tulad ng naganap noong nakaraang Marso.
Bagaman hangad ng gobyerno ng Italya na magpatuloy sa curfew, makakabuting handa pa rin sakaling dumating ulit ang pagkakataon ng restriksyon.
Narito ang mga dapat ihanda sa banta ng panibagong lockdown.
- Pagkain. Hindi nagsara ang mga Supermarket kahit noong kasagsagan ng coronavirus noong Marso kung kaya’t hindi naman kailangan sumapit sa panic buying. Ngunit makabubuting may sapat na imbak na pagkain sa ref tulad ng karne, isda, prutas at gulay upang maiwasan ang paglabas labas ng bahay. Mag-imbak din ng hindi napapanis na pagkain tulad ng mga canned goods, crackers, asukal, kape, gatas at bigas na isasaing, asin, toyo at suka. Partikular, magtabi ng baby foods, diapers, gatas, mga produktong pangbata pati na rin mga gamot, para sa mga mayroong maliliit na bata sa bahay. Isama rin sa paghahanda ang mga alagang hayop. Dapat ay magtabi ng pet food na tatagal ng ilang linggo.
2. Basic medical supplies. Kahit ang mga botika ay siguradong mananatiling bukas sakaling magkaroon muli ng lockdown, ngunit makakabuting maging handa sa mga basic medical supplies sakaling makaramdam ng sintomas ng covid19 kasama na ang mga over-the-counter na gamot para sa lagnat, sipon at ubo, mga multivitamins upang hindi na kailanganing pumila pa sa mga botika. Siguraduhi din ang pagkakaroon ng first aid kit at thermometer.
3. Cleaning and hygiene supplies. Siguraduhin ang pagkakaroon ng alcohol at ilang disinfectant, tulad ng gel, mask at mga gloves. Ihanda din ang antibacterial soap, sanitary napkins, alcohol-based wipes.
4. Emergency tools. Mabuti ring maghanda ng mga emergency tools tulad ng flashlight, battery, power banks.
5. Mga mahahalagang dokumento. Isang magandang kaugalian ang nakaayos ang mga personal documents tulad ng mga permesso di soggiorno, pasaporte, carta d’identità, tessera sanitaria at iba pa. Ito ay upang madouble check din ang validity ng mga nabanggit na dokumento.
Mainam na handa rin ang listahan ng mga numero na dapat tawagan sa oras ng emerhensya tulad ng medico di base, guardia medica, botika at mga numeri verdi ng ambulansya o ng pulisya. Ihanda rin pati ang mga numero ng employer o mga kasama sa trabaho.
6. Pera. Higit sa lahat, mahalagang may nakatabing pera na mabubunot sakaling may kailangang bilhin. Makakabuti ang pagtatabi ng cash. Siguraduhin na nakatabi ang mga prepaid cards para sa pagloload ng mga cellphone. Siguraduhing nabayaran din ang mga house bills tulad ng electric bills at gas pati ang internet connection.
Gayunpaman, sa pagpapatupad ng curfew sa mga pangunahing rehiyon sa Italya, iwasan muna ang pamamasyal at paglabas ng bahay na hindi mahalaga ang dahilan at maging masunurin sa mga ipinatutupad ng batas. (PGA) .
Ang mga nabanggit ay isang practical tip. Hindi hangarin ng sumulat ang maghasik ng paniko o pangamba sa mga mambabasa.