in

Italya, nasa Scenario 3 ayon sa CTS

ako-ay-pilipino

Ang Italya ay kasalukuyang nahaharap sa Scenario 3. Lumobo ang bilang ng mga infected. Ang mga ospital at ER ay nanganganib. At sa pagkakataong ito ay napakataas ng panganib na hindi na mapipigilan ang pagtaas ng epidemiological curve. Mga mabibigat na araw na ayon sa mga siyentista. Ito ay ang Type 3 scenario. 

Ito ang inanunsyo ni Conte sa question time sa Camera ngayong araw kung saan ipinaliwanag ang huling DPCM at DL Ristori at sinagot din ang mga katanungan ukol sa paaralan, publikong transportasyon at proteksyon ng mga manggagawa. 

Sitwasyong naaalalayan pa bagaman laganap na ang transmissibility at ang peligro sa sistemang pangkalusugan ay katamtaman“. Ito ang scenario 3 na hinaharap ng Italya ayon sa CTS. 

Sa pagharap ni Conte sa Camera ay inilahad niya ang pag-aaral na ito ng  Comitato Tecnico Scientifico na nagsasaad ng Scenario 3, posibilidad ng paghinto ng mga commercial activities, magkakasalising oras ng leksyon ng mga mag-aaral at higit na smart working upang mabawasan ang mga commuters at lumuwag ang mga public transportation. At ito ang mga nilalamang hakbang ng pinakahuling DPCM.

Gayunpaman ang mabilis na pagtaas sa bilang ng mga bagong kaso ng positibo ay maaaring magsanhi ng overload ng serbisyong pangkalusugan sa loob ng 2 hanggang 3 buwan. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PH Ambassador sa Brazil, pinauwi dahil sa pananakit sa kasambahay

Mga Pilipino, pinaka apektado ng lockdown sa Milan – Caritas