Habang ang buong bansa ng Italya ay nasa diskusyon ukol sa mga posibleng bagong paghihigpit, maraming bansa na sa Europa ang nagpapatupad at magpapatupad pa, ng salitang patuloy na iniiwasan ng Italya, ang lockdown – soft, semi o partial. Anumang terminolohiya ang maaaring magamit, ito ay pinili ng ilang bansa upang mahinto ang mabilis at hindi na mapigilang pagkalat ng Covid19 sa Europa.
Sa isang State of the Nation, ay inanunsyo ni President Emmanuel Macron ng France ang pagsasailalim sa bansa ng national lockdown simula Biyernes, Oct 30, matapos magtala ng 36,437 bagong kaso ng covid19 at 244 ang mga namatay sa huling 24 oras. Ang mga paaralan ay mananatiling bukas, pati na rin ang mga bar at restaurants. Mananatiling bukas ang mga tanggapang publiko, pati ang mga pabrika at ang sector ng agrikultura. Sarado naman ang mga establisimento na itinuturing na hindi mahalaga hanggang sa pagpasok ng buwan ng Disyembre. Ang mga pribadong pagtitipon, sa labas ng miyembro ng pamliya ay ipinagbabawal. Pati anumang uri ng social gatherings. Bawal ang magpunta sa ibang Rehiyon maliban na lamang ang mga babalik sa kani-kanilang tahanan sa panahon ng Undas. “Mahalaga ngunit hindi na sasapat ang mga paghihigpit. Mabilis ang pagkalat ng virus at tayo ay natabunan ng mabilis na pagkalat ng pandemya. Mas malupit ang second wave”, ayon sa premier.
Soft lockdown naman ang napili ng Germany simula November 2 at ito ay tatagal ng 4 na linggo sa buong bansa. Ito ang inanunsyo ni Cancelliere Angela Merkel. Magsasara ang mga bar at restaurants, gym, cinema at theaters. Bukod dito, hanggang 10 katao lamang mula sa 2 pamilya ang maaaring magkita sa publiko. Kanselado naman ang lahat ng public at private gatherings. Mananatiling bukas, gayunpaman ang mga paaralan at lahat ng commercial activities. May pahintulot ang religious activities sa kundisyon ng mahigpit na pagsunod sa heath protocols.
Samantala, regional lockdown naman ang napili ng Spain, ayon kay Premier Pedro Sanchez ilang araw na ang nakakalipas. Ang rehiyon ng Madrid, Castilla-La Mancha e Castilla y León ay sarado hanggang Nov 9.
Simula bukas ang mga bars at restaurants ay magsasara naman ng 11pm sa Switzerland. Ang university class ay online at ang mga social gatherings ay hanggang 10 katao ang may pahintulot sa kundisyong suot ang mask na ginawang obligado. Hanggang 50 katao naman ang may pahintulot sa mga public events. Ang paghihigpit ay ipatutupad matapos magtala ng 8,000 bagong kaso ng covid19 sa huling 24 oras.
Partial lockdown naman sa Netherlands, ayon kay Premier Mark Rutte. Simula noong nakaraang Oct 14, ay sarado na ang lahat ng mga bars at restaurants. May alcohol ban simula 8pm at obligado ang pagsusuit ng mask sa indoors, mula 13 anyos pataas.
Samantala, curfew naman ang napiling aksyon ng Belgium simula noong nakaraang Oct 19.
Samantala, patindi naman ng patindi ang tulak ng scientific community sa gobyerno ni Boris Johnson para sa karagdagang paghihigpit, o lockdown kung kinakailangan sa UK bilang tugon sa emerhensya ng second wave.
Ang Irland naman ang unang bansa sa Europa na nagpatupad muli ng national lockdown noong nakaraang Oct. 21. Nagtala ang bansa ng higit sa 58,000 kaso ng covid19 at 1,890 ang mga namatay. Suspendido ng anim na linggo ang mga hindi mahahalagang serbisyo ayon kay Premier Michael Martin. (PGA)