Para sa mga overseas Filipino na naka-schedule umuwi ng Pilipinas, narito ang isang Gabay na dapat sundin, bago pa man lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
1. REGISTRATION – Mag-register online sa https://e-cif.redcross.org.ph. Narito kung paano mag-register:
2. CONFIRMATION E-MAIL AT QR CODE – Matapos mag-registered ay makakatanggap ng confirmation e-mail at QR Code. I-save sa telepono ang QR Code o i-print ito.
3. BRIEFING – Pagdating sa airport sa Pilipinas, magkakaroon ng briefing para sa simpleng prosesong daraanan.
4. VERIFICATION AT BARCODING – Magtungo sa Verification Counter at ipakita ang inyong QR Code. Kayo ay bibigyan ng 6 na barcode stickers. Ang isa ay ididikit sa inyong pasaporte.
5. SWAB TESTING – Magpupunta sa Testing Booth para sa swab test. Dito ay ibibigay ang natitirang 5 stickers.
Simula, ika-24 ng Oktubre 2020, narito ang Swabbing Stations na maaaring pagpilian sa One-Stop Shop (OSS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
OPTION #1 — Ang serbisyo ng PRIVATE LABORATORIES ay para lamang sa mga non-OFW. Php 4,500 ang halaga ng swab test na makapagbibigay ng resulta ng hindi tatagal ng kalahating araw o 12 na oras.
OPTION #2 — Ang serbisyo ng PHILIPPINE RED CROSS na makapagbibigay ng resulta sa loob ng isa hanggang dalawang araw ay nagkakahalaga ng Php 3,500. Bisitahin ang link na ito para makapag-book ng swab test sa Philippine Red Cross online: https://go.pnrc.ph/arrival-booking
OPTION #3 — FREE OF CHARGE ang swab test ng GOVERNMENT LABORATORIES para sa mga OFW. Dahil sa patuloy na pagbuti ng sistema sa mga nakalipas na araw, inaasahang makakatanggap ng resulta sa loob ng dalawa hanggang apat na araw matapos ang swab sample collection. Sakop ng waiting time na ito ang buong proseso mula encoding hanggang online issuance ng swab test result / quarantine clearance mula sa Bureau of Quarantine.
6. IMMIGRATION – Dumiretso na sa Immigration counter at ipakita ang passport pati ang barcode sticker.
7. QUARANTINE FACILITY ASSIGNMENT – Para malaman ang inyong Quarantine Center Assignment, pumunta sa mga susunod na Desk. Kung isang: OFW- OWWA; Seafarer na may Local Manning Agency – LMA – Non-OFW Returning Filipino – DOT
8. RESULTA – Ipapadala ang resulta ng swab test via text message at email sa loob ng 72 oras.