in

Click day ng bonus bici, simula na ngayong araw

Simula ngayong araw ang click day ng bonus bici o bonus mobilità. Maaari ng mag-aplay ng bonus na inilaan ng gobyerno para sa mga bike, e-bike at electric scooter o monopattino. 

Click day dahil ang refund ay hindi batay sa petsa ng resibo o fatture o scontrini parlanti, bagkus ay batay sa first apply first serve basis. Makakatanggap ng refund ang masigasig na mauuna sa pag-aaplay.

Ang bonus ay may 2 uri: 

  1. Refund sa mga nakabili na ng bike,e-bike o monopattini mula May 4 hanggang Nov 3, 2020 at makakatanggap hanggang 60% ng maximum na halaga ng € 500.
  2. Ang ikalawa ay nakalaan naman sa mga bibili pa lamang at makakatanggap ng digital voucher na magagamit sa app ng Ministero dell’Ambiente, www.buonomobilita.it, na aktibo simula bukas November 4, 2020. 

Narito kung paano matatanggap ang refund:

Para sa richiesta di rimborso (request of refund) ng mga nakabili na ay magpapatunay ang petsa ng aplikasyon ng refund at hindi ang petsa sa resibo ng pagkakabili. 

Ang sinumang nakabili na hanggang sa huling araw bago ang activation ng app ay makakatanggap ng refund sa pamamagitan ng bonifico. 

Sa pag-aaplay ay kailangan ang pagkakaroon ng SPID o Sistema Pubblico di Identità Digitale.

Kailangang scan ang documento di acquisto o resibo na nakapangalan sa aplikante at gawin itong pdf file.

Ilagay ang bank account details upang matanggap ang bonus. 

Narito kung paano ang aplikasyon para sa pagtanggap ng voucher:

Ang sinumang mag-aaplay ng voucher ay kakailanganin din ang pagkakaroon ng SPID.

Sa sinumang hindi pa nakakabili ng bisikleta, ay makakatanggap ng buono mobilità na ibabayad naman sa bibilhan ng bisikelta, na makakatanggap mula sa Ministero dell’Ambiente ng refund.

Ang aplikante ang magbabayad ng 40% sa pagbili at ang binilan ang makakatanggap ng 60% refund

Ang buono o voucher ay balido ng 30 araw. 

Sino ang maaaring mag-aplay: 

Maaring mag-aplay ng bonus bici ang mga mamamayan mula 18 anyos at residente (hindi domicilio) sa mga kabisera ng mga Rehiyon (kahit mas mababa sa 50,000 ang mga residente), kabisera ng mga Probinsya (kahit mas mababa sa 50,000 ang mga residente), mga Comune (na may higit sa 50,000 ang mga residente) at mga Comune ng 14 na Città metropolitane (kahit mas mababa sa 50,000 ang mga residente) tulad ng Bari, Bologna, Cagliari, Catania, Firenze, Genova, Messina, Milano, Napoli, Palermo, Reggio Calabria, Roma Capitale, Torino, Venezia.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

Higit 3M euros para sa internet connection ng mga mag-aaral sa Regione Lazio

pagre-report ng assembramento o social gathering Ako Ay Pilipino

Status ng aplikasyon ng Italian citizenship? Narito ang 3 telephone numbers mula sa Ministry of Interior