in

Status ng aplikasyon ng Italian citizenship? Narito ang 3 telephone numbers mula sa Ministry of Interior

pagre-report ng assembramento o social gathering Ako Ay Pilipino

Impormasyon sa pamamagitan ng telepono ng mga nagnanais maging Italian citizen. Narito ang mga itinalagang telephone numbers ng Ministry of Interior, ayon sa Prefetture di Roma. 

Ang Ministry of Interior ay naglabas ng tatlong telephone numbers na maaaring tawagan ng sinumang nagsumite na ng aplikasyon para sa Italian citizenship.

Simula noong October 21, 2020 ay maaaring magkaroon ng impormasyon ukol sa status ng aplikasyon. 

Narito ang mga telephone numbers:

  • 06/46539955 – Monday/Wednesday
  • 3346909996 – Wednesday
  • 3346909859 – Friday 

Ayon sa pinakahuling ulat ng Istat, sa taong 2019 ay mayroong 127,000 na naging Italian citizen (9 sa bawat 10 aplikante ay non-Europeans). Higit sa taong 2018 na umabot sa bilang na 103,000 ang mga new Italians. 

Gayunpaman, sa kasalukuyan, ayon sa Batas 91/1992 “Bagong batas ukol sa Citizenship”, ang panahong kinakailangan sa pagtatapos ng proseso ng aplikasyon ay “48 na buwan mula sa petsa ng aplikasyon”. 

Ang bagong decreto legge sa Imigrasyon /DL 130/2020), na isasabatas sa Parliyamento ay nagbababa sa 36 buwan sa halip na 48 na buwan bilang panahon ng proseso ng aplikasyon. Ang bagong panahong nabanggit, gayunpaman, ay ipapatupad sa mga aplikasyon na isusumite matapos ang pagsasabatas nito. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Click day ng bonus bici, simula na ngayong araw

ako-ay-pilipino

TFR, maaari bang hingin ng colf dahil sa matinding pangangailangan?