in

TFR, maaari bang hingin ng colf dahil sa matinding pangangailangan?

ako-ay-pilipino

Ang separation pay o kilala bilang trattamento di fine rapporto o TFR ay ang kabuuang halagang dapat ibigay sa manggagawa sa pagtatapos ng empleyo anuman ang dahilan nito – maaaring pagtatapos ng kontrata, pagtatanggal o pagbibitw sa trabaho.

Ito ay nakalaan maging sa mga ‘assistenti familiari’, ang bagong itinalagang tawag sa colf, caregivers at babysitters sa bagong contratto collettivo nazionale, sa pagtatapos ng kanilang trabaho.

Ngunit sa panahon ng matinding krisis dahil sa Covid19 at nagbabantang lockdown sa Italya, marami ang nagtatanong kung maaari bang hingin ito sa employer kahit hindi pa aalis ng trabaho at sa anong kundisyon. 

Ang TFR ay karaniwang ibinibigay sa pagtatapos ng empleyo o trabaho ngunit sa ilang kaso ay maaaring ibigay ng mas maaga kahit na ang manggagawa ay nananatiling nagta-trabaho sa parehong employer. Ang employer ay kailangang ibigay ito ng mas maaga sa kahilingan ng manggagawa, ng hindi lalampas sa isang beses sa isang taon at hanggang sa 70% lamang ng kabuuang kalkulasyon.

Bukod sa nabanggit na kundisyon, ang worker at employer ay maaaring magkaroon ng ibang kasunduan tulad ng pagbibigay ng TFR buwan buwan o taun-taon dahil sa partikular na pangangailanagn ng worker o dahil sa conveniency ng employer upang hindi mahirapan sa pagbibigay ng malaking halaga sa pagtatapos ng empleyo. 

Gayunpaman, palaging ipinapayo ang pagkakaron ng isang kasulatan o ang quietanza liberatoria, bilang batayan sa hinaharap at proteksyon ng parehong employer at worker. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

pagre-report ng assembramento o social gathering Ako Ay Pilipino

Status ng aplikasyon ng Italian citizenship? Narito ang 3 telephone numbers mula sa Ministry of Interior

ako-ay-pilipino

€ 500 voucher para sa computer at internet connection ng mga mag-aaral, aplikasyon sa Nov. 9