Naghahanda ang mga paaralan para sa distance learning o online classes. At layunin ng gobyerno na tulungan ang tinatayang 300,000 mga mag-aaral na minsan ng nahirapan sa bagong sistema ng pag-aaral dahil sa kawalan ng personal computer at internet connection.
85M ang pondong inilalaan ng gobyerno para sa mga personal computers at internet connection. Inaasahan, kung hindi magkakaroon ng pagbabago, ay sisimulan sa November 9 ang aplikasyon para sa € 500 voucher para sa mga pamliya na mayroong mababang ISEE (mas mababa sa €20,000 sa isang taon). Ang nabanggit na voucher ay matatanggap bilang discount sa internet connection sa loob ng 12 buwan. Gayunpaman, ang voucher ay hindi direktang matataggap ng mga pamilya bagkus para ito matanggap ay kailangang dumaan sa pamamagitan ng napiling operator.
Nilalaman ng decreto Ristori na inaprubahan kamakailan ng gobyerno kung saan nasasaad ang pondo ng 85M para matugunan ang pangangailangan ng maraming mag-aaral. Marahil mula Scuola Media (sa hinihintay na DPCM), ang mga mag-aaral na inaasahang haharap muli sa mga screen ng personal computer o tablet, sa loob ng kani-kanilang mga silid upang ipagpatuloy ang naaantalang mga leksyon dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng coronavirus.
Ang mga paaralan ay nangalap ng mga impormayson ukol sa mga pamliyang mangangailangan at para sa distribusyon ng mga ipapahiram na computer (comodato d’uso) mula kalahatian ng Nobyembre. Ayon sa mga Istituti, kakailanganin umano ang 200,000 computers at internet connection para sa 100,000 na mga mag-aaral wala nito. Nais ng gobyerno na matugunan ang pangangailangang ito at nagdagdag pa ang Ministry of Education ng 3.6M. (PGA)