Patuloy ang domestic job kahit sa zone rosse.
Ito ang paglilinaw sa domestic job na inilathala ng Assindatcolf, ang national association ng mga employers sa domestic job, sa kanilang website, “Nessuno stop per il lavoro domestico”.
Ang DPCM na pinirmahan ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro noong nakaraang November 3 at simulang ipinatupad noong November 6, ay walang nasasaad na anumang restriksyon o pagbabawal sa sector ng domestic job.
Samakatwid ay magpapatuloy ang serbisyo ng mga colf, babsysitters at caregivers na may pahintulot sa sirkulasyon sa loob ng Rehiyon sa dahilan ng trabaho. Siguraduhin lamang ang pagkakaroon ng Autocertificazione.
Gayunpaman, “mahigpit na inirerekomenda ang paggamit ng mask sa loob ng tahanan at/o pribadong lugar kung saan makakasama o makakahalubilo ang mga taong ‘non conviventi’ o hindi kasamang naninirahan sa iisang bahay”, ayon sa DL.
Basahin din:
- Autocertificazione, kailangan gagamitin?
- Anu-anong mga Rehiyon ang kabilang sa zona Rossa, Arancione at Gialla?