Para sa mga Active at Inactive OWWA members sa Milan at Northern Italy na nag COVID-19 positive, maaaring mag-alay ng Owwa Alagang Kabayan Project.
Ito ay isang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng $ 200 upang matugunan ang mga pangangailangan sa pagpapalakas at tuluyang pagpapagaling ng mga nag-positibo sa Covid19.
Paano makakatanggap ng OWWA After Care Financial Assistance?
Upang makatanggap ng tulong pinansyal ay kailangang gawin ang sumusunod ng mga Owwa members sa Milan at North Italy.
- Mag-register sa https://bit.ly/owwacovid19
- Kung kwalipikado sa pagtanggap ng tulong, ay kokontakin ng staff ng Polo Owwa Milan para sa mga sumusunod na requirements: a) Dapat ay isang OWWA member (active o inactive); b) Medical certificate na nagpapatunay na nag-positibo sa Covid19; k) Kopya ng pasaporte; d) Application form.
“Hanggang sa kasalukuyan, mayroong humigit kumulang na 560 ang nag-registered sa website simula noong November 6. Bagaman hindi pa tapos ang verification ng kanilang Owwa membership, inaasahan namin na 80% ng mga nag-registered ang mga active at inactive Owwa members. At sila lamang ang makakatanggap ng tulong pinansyal”, ayon sa paliwanag ni Milan Labor Attache Maria Corina Padilla Bunag.
Samantala, ang mga OWWA members sa Roma at Southern Italy naman ay makakatanggap din ng nasabing tulong pinansyal sa ibang paraan.
Kung isang OWWA member sa Roma at Southern Italy at nag-positbo sa Covid19, narito ang dapat gawin:
- Magpadala ng email sa rome@owwa.gov.ph kung saan isusulat ang request para makatanggap ng Owwa After Care Financial Assistance;
- Ilakip sa email ang mga sumusunod: a) Medical Certificate na nagpapatunay na nag-positibo sa Covid19; b) Result ng swab test; k) Kopya ng pasaporte at permesso di soggiorno.
- Kung kwalipikado sa pagtanggap ng tulong pinansyal ay makakatanggap ng reply mula sa tanggapan sa Roma. (PGA)