in

False declaration sa Autocertificazione, isang krimen

ako-ay-pilipino

Ang Autocertificazione, sa ikalawang pagkakataon, ay naging isang mahalagang dokumento sa kasalukuyan, katulad ng mask. Sa pamamagitan nito ay pinapatunayan na hindi isang paglabag ang dahilan ng sirkulasyon o paglabas ng bahay.

Sa katunayan, ay pinaparusahan ng batas ang mapapatunayang hindi susunod sa mga kasalukuyang paghihigpit sanhi ng coronavirus tulad ng pananatili sa loob ng bahay sa oras ng curfew mula 10pm hanggang 5am.

Karamihan ng paglabag sa kasalukuyan ay mga administrative crime. Halimbawa, ay ang paglabas ng bahay sa oras ng curfew at pagpunta sa bahay ng kaibigan. Ito ay hindi kabilang sa listahan ng mga may pahintulot na dahilan ng paglabas ng bahay sa oras ng curfew, tulad ng trabaho, pagbalik ng bahay, kalusugan at emerhensya. Isa pang halimbawa ay ang nahuling walang suot na mask. Ang mga nabanggit ay minumultahan mula € 400 hanggang € 1000 at nababawasan ng 30% kung ito ay babayaran sa loob ng 5 araw, at samakatwid ay nagiging € 280.

Ang Autocertificazione ay kailangang sagutan ng wasto at tama halimbawa ang paglalagay ng eksaktong personal information. Ngunit ang sadyang paglalagay ng maling datos, ang pagsisinungaling at paglalagay ng hindi katotohanan, halimbawa, ang pagdedeklara ng dahilan ng paglabas sa oras ng curfew ay trabaho ngunit ang katotohan ay ang pagpunta sa bahay ng kaibigan ay isang malalang krimen.

Ang isang public official ay may obligasyong hingin ang autocertificazione at suriin kung wasto ang mga impormasyong inilagay dito. Sa kaso ng pagsusuri at mapag-alamang ang deklarasyong inilagay sa autocertificazione ay hindi ang katotohanan, ay makakasuhan ng false declaration to public official batay sa artikulo 495 ng penal code. Ito ay pinaparusahan ng pagkakakulong mula 1 hanggang 6 na taon. 

Maaari bang itama ang mga mali sa autocertificazione?

Ang sinumang nagbigay ng autocertificazione sa public official at natuklasan agad ang pagkaroon ng mali sa datos o impormasyon, ng hindi sinasadya, marahil dahil sa pagmamadali, ay kailangang itama agad ito sa pamamagitan ng isang bagong autocertificazione upang palitan ang nauna. (PGA– photo: Chet de Castro Valencia)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ilang katao sa pribadong sasakyan Ako Ay Pilipino

Ilang katao ang maaaring sumakay sa pribadong sasakyan, ayon sa huling DPCM?

Parco de’ Medici hotel sa Roma, angkop sa mga Covid19 patients