Nagdesisyon ang 3 Rehiyon – Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia at Veneto – na magdagdag ng paghihigpit upang pigilan ang higit na pagkalat ng coronavirus. Sa pamamagitan ng ordinansa, layunin ng karagdagang paghihigpit na maiwasang maging zona Arancione ang tatlong rehiyon na kasalukuyang nasa zoan Gialla. Mabilis namang binigyan ito ng pahintulot ni Health Minister Roberto Speranza.
Narito ang mga karagdagang paghihigpit simula November 14
Mandatory ang pagsusuot ng mask mula sa paglabas ng tahanan. Tanging ang mga bata anim na taon pababa at ang mga nag-individual sport lamang ang may pahintulot hindi gumamit ng mask. Ang huling nabanggit sa kundisyong nasa loob lamang ng parko o malayo sa mataong lugar at kailangang sundin ang 2metrong distansya. Sa katunayan ay ipinagbabawal ang individual sports sa mga kalsada at mga plasa sa sentro at mga lugar na karaniwang matao.
Sa loob ng mga commercial activity ay isang tao lamang ang may pahintulot maliban na lamang kung may kapansanan at mas bata sa 14 anyos.
Tuwing weekend ay sarado ang mga large at average size na mga commercial activities, maliban na lamang ang mga nagbebenta ng pagkain, pharmacies, tobacco shops, newspaper stands.
Ang mga bar at restaurants, mula 3pm hanggang 6pm ay makakapag-serve lamang sa mga nakaupong costumers, sa loob man o sa labas nito. Bawal din ang pagkain sa public area kahit ourdoors, maliban na lamang kung ito ay labas na bahagi ng bar o restaurant. Nananatiling may pahintulot ang for take out at home deliveries hanggang 10pm at ito ay inirerekomenda sa lahat.
Sa elementarya at high school (o scuola media) ay ipinahihinto ang PE o educazione fisica, ang pagkanta at ang pag-aaral ng mga wind instruments.
Pansamantalang isasara din ang mga merkado. Ngunit ito ay batay sa desisyon ng bawat alkalde. Sa kasong naipatutupad naman ang mga itinakdang regulasyon ay maaaring magpatuloy sa pagbubukas sa publiko.
Bukod sa mga nabanggit, ay ipatutupad din sa 3 rehiyon hanggang Dec. 3 ang mga nasasaad na preventives measures sa huling DPCM. (PGA)