in

Bilang ng bagong kaso ng Covid19, tumaas sa 40,902

ako-ay-pilipino

Sa kabila ng pagpapatupad ng pinakahuling dekreto at paghahati sa bansa sa tatlong bahagi batay sa sitwasyon ng Covid19, ay patuloy naman ang pagkalat nito at pagdami ng mga bagong kaso sa bansa. 

Ngayong araw ay tumaas sa 40,902 ang naitalang bagong kaso ng Covid19 sa huling 24 oras sa bansa. Bumama naman sa 550 ngayong araw mula sa 636 kahapon ang mga namatay dahil sa Covid19. 

Samantala, umabot naman sa 254,908 ang bilang ng tampone o ng mga cases tested. Higit ng halos 20 libo kumpara kahapon. 

Ang rate sa pagitan ng bilang ng mga positibo at test ay 16%

Nagtala ng 30,914 ang mga infected with symtoms na nasa mga Covide19 centers, isang pagtaas ng 1,041 sa huling 24 oras. 

Kasalukuyang may 663,926 ang mga maysakit at sa bilang na ito ay 30,914 ang mga nasa Covid19 centers, 3,230 ang nasa ICU at 629.782 ang mga nasa fiduciary isolation. 

Ngayong araw, ang mga naka-recovered ay 11,480. 

Narito ang bilang na naitala sa mga Rehiyon

  • Lombardia – 10,634 
  • Piemonte – 5,258
  • Campania – 4,079
  • Veneto – 3,605
  • Lazio – 2,925
  • Toscana – 2,478
  • Emilia Romagna – 2,384
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia at Veneto, karagdagang paghihigpit simula Nov. 14

Zona rossa at zona Arancione, nadagdagan ulit!