Pinirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang isang bagong ordinansa na ipatutupad simula sa Linggo, November 15.
Ang mga rehiyon ng Campania at Toscana ay magiging zona rossa.
Magiging 7 ang mga rehiyon sa zona Rossa: Calabria, Lombardia, Piemonte, Provincia di Bolzano at Val d’Aosta, Campania at Toscana.
Samantala, ang mga rehiyon ng Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia at Marche naman ay magiging zona Arancione.
Magiging 9 na rehiyon naman sa zona Arancione: Abruzzo, Basilicata, Liguria, Puglia, Sicilia, Umbria, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia at Marche.
Ang mga rehiyong mananatili sa zona Gialla ay ang Lazio, Molise, Veneto, Sardegna at Provincia di Trento. (PGA)