in

Isa pang bakuna kontra Covid19, epektibo ng 94.5%

Ako Ay Pilipino

Isa pang bakuna laban Covid19 ang nag-anunsyo ng pagiging epektibo ng 94.5%. Ito ay ang Moderna, isang American biotech company. 

Matatandaang noong isang linggo ay inanunsyo ng Pfizer at BioNtech ang pagiging epektibo ng bakuna nito ng 90%. Ang parehong nabanggit ay nagtapos ng clinical trilas at ang resulta ay parehong mas maganda kaysa sa inaasahan.

Tulad ng Pfizer noong nakaraang Lunes, inilabas din ng Moderna ang datas nito sa isang press release.

Ang bakuna ng Moderna ay walang side effects maliban sa bahagyang  lagnat, pagkapagod at sakit kung saan nag-iniksyon. Ito ay nangangailangan ng ikalawang dosis apat na linggo matapos ang una (para sa Pfizer, ay tatlong linggo).

Ang ikatlong bahagi ng clinical trials ay nagsimula noong July 27 kung saan nagkaroon ng 30,000 bolontaryo, lahat ay mula USA. Kalahati ng mga bolontaryo ay binigyan ng bakuna, ang kalahati naman ay placebo. 95 sa mga bolontaryo ang nagkasakit, 90 mula sa grupo na  nakatanggap ng placebo at 5 mula sa grupo ng mga nabakunahan. Wala sa mga nabakunahan ang nagkaroon ng matinding sintomas, habang 11 sa mga hindi nabakunahang positibo ang matinding naapektuhan ng Covid19. Labinlimang sa 95 na nahawahan ay higit sa 65 anyos.

Ngayong taon ay handa ang Moderna na magbigay ng 20 milyong dosis sa USA. Sa susunod na taon, mula 500 milyon hanggang isang bilyon ay makakarating naman sa ibang bahagi ng mundo. Ang mga dosis ay maaaring madala sa temperatura ng ref na 2-8 degrees.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Conversion sa Lavoro Subordinato at Autonomo ng Decreto Sicurezza

Quarantine Practical Tips Ako Ay Pilipino

Mandatory quarantine ang buong pamilya? Narito ang practical tips.