in

Unang dosages ng bakuna laban Covid19, sa Enero 2021

bakuna laban covid19 Ako ay Pilipino

Inaasahan ang mga unang dosages ng bakuna laban Covid19 sa pagpasok ng taong 2021. 

Ito ay ayon sa Ministro ng Kalusugan, Roberto Speranza, sa kanyang pagsasalita sa “EU sa hamon ng Covid 19“, isang webinar meeting na inorganisa ng European parliament sa Italya.

Nakakatanggap na tayo ng mga detalye mula sa mga kumpanya na nagsagawa ng pagsasaliksik para sa lunas at bakuna laban covid19. Ang mga ito ay nagbibigay ng pag-asa. Nagsisimula na nating makita ang liwanag sa dulo ng tunnel”. 

Unang makakatanggap ng bakuna ang mga medical staff at ang mga nasa osipital at RSA, dagdag na nito.

Samantala, ayon kay Guido Rasi, ang executive director ng European Medical Association (EMA) sa ginanap na webinar meeting, sa taong 2021 ay magkakaroon ng 6  hanggang 7 bakuna at siya umano ay naniniwala na hanggang bago magtapos ang buwan ng Enero ay magkakaroon na ng 3 epektibong bakuna, na may awtorisasyon at handa ng ipamahagi. 

Pagkatapos, ay ang mga local health structures at member states naman ang kikilos upang hindi masayang ang mabilis na pagkilos ng mga pharmaceutical companies”, pagtatapos ni Rasi.

Kaugnay nito, ang Biontech at Pfizer ay humihingi na ng awtorisasyon sa United States Medicines Agency (FDA) para ilabas sa mercado ang anti-covid19. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Duomo di Milano Ako Ay Pilipino

Bagong ordinansa, kinukumpirma ang restriksyon sa 6 na Rehiyon

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Aggiornamento carta di soggiorno, paano at kailan dapat gawin?