Ngayon na inaasahan ang paglabas ng unang tatlong bakuna anti-covid19 sa pagpasok ng taong 2021 at sinisimulang pag-aralan ang ‘piano vaccinale’ o ang plano sa pagbabakuna sa publiko ay nagsimula na rin ang mga diskusyon at debate tungkol sa pagiging obligado ba o hindi ng bakuna para sa lahat.
Sa kasalukuyan, ang direksyon ng politika ay ang pagiging opsyonal nito at hindi isang obligasyon, maliban na lamang sa ilang kategorya.
Ngunit ang katanungan ay magiging epektibo ba ang bakuna kung malaking bilang ng populasyon ay pipiliing hindi magpabakuna?
“Sa ngayon, aking suhestyon ay ang pagiging opsyunal nito sa mga adults, ngunit hindi maiiwasan ang posibleng pagiging obligatoryo nito”, ayon kay Walter Ricciardi, isang consultant ng Ministry of Health
Aniya sa ngayon ang Covid19 ay patuloy na sanhi ng panganib para sa lahat at marahil ay magpapatuloy na isang panganib ito sa hinaharap kung hindi maaabot ang herd immunity (mass immunity), sakaling maraming magnais na hindi magpabakuna. “Sa puntong ito, marahil ang bakuna kontra covid19 ay gawing obligatoryo”, dagdag pa ni Ricciardi.
Ito rin ang naging opinyon ni Health Minister Roberto Speranza.
Inaasahan natin ang herd immunity sa coronavirus sa pamamagitan ng kusang-loob na pagpapabakuna ng mas nakakarami at huwag ng umabot sa panahong dapat itong gawing isang obligasyon”.
Inilalagay ni Speranza ang responsabilidad sa mga Italians at sa kanilang kapasidad na mag-desisyong makalabas mula sa bangungot na ito. “Ako ay may tiwala na mahihikayat natin ang mga Italians na magpa-bakuna at magkakaroon ng herd immunity. Ito rin ang naging desisyon ng ibang bansa sa Europa.” (PGA)