Inaprubahan na ng United Kingdom ang paggamit ng bakuna laban covid19 ng Pfizer-BioNTech.
Ito ang unang bansa sa buong mundo na inaprubahan ang malawakang paggamit ng Pfizer-BioNTech na sisimulan sa susunod na linggo, una sa mga matatanda o senior citizen at mga medical staff bilang mga frontliners.
Bukod dito, kinumpirma ng MHRA, Medicines and Healthcare products Regulatory Agency, ang pagbibigay proteksyon kontra virus ng 95% at ito ay sigurado na para sa mass vaccination.
Sa katunayan, 40 milyong dosages ang inorder ng UK, sapat na upang mabakunahan ang 20 milyong katao.