in

Populasyon ng mga dayuhan sa bansa mula 2011-2019, umabot sa 1 milyon

Ako ay Pilipino

Ang bahagyang pagtaas ng populasyon ng mga residente sa Italya kumpara sa nakaraang sampung taon ay “eksklusibong dahil sa mga dayuhang mamamayan“. 

Ang datos ay mula sa permanent census ng popolasyon na inilabas ng Istat kamakailan.

Sa panahong mula 2011 hanggang 2019 ang populasyon ng mga Italyano ay bumaba ng halos 800,000 (-1.5%) habang ang populasyon ng mga dayuhang mamamayan ay tumaas naman sa 1 milyon (+25,1%). Hindi kasama sa bilang ang halos 1 milyong dayuhan na naging naturalized italians sa panahong mula 2012-2019, na sa taong 2011 ang mga naturalized italians ay umabot na sa bilang na 700,000.

Bukod dito, ang mga dayuhang mamamayan ay patuloy ang pagdami sa lahat ng mga rehiyon sa bansa maliban sa Valle d’Aosta. Habang sa apat lamang na rehiyon tumaas ang popolasyon ng mga Italyano. Ito ay ang rehiyon ng Lombardia, Lazio, Trentino-Alto Adige at Emilia Romagna. 

Ayon sa Istat, ang mga dayuhan sa bansa sa taong 2018 at 2019 ay 4.996,158 at 5.039,637, nagtala ng pagtaas ng 43,480 o 0.9%. Gayunpaman, ang naitalang pagtaas sa bilang ng mga dayuhan ay hindi naging sapat sa bumababang populasyon ng mga residente sa Italya (-175,185), na katumbas ng pagbaba ng halos 220,000 ng populasyon ng mga italians. 

Sa taong 2019, ang mga dayuhan ay kumakatawan sa 8.4 katao sa bawat 100 residenteng rehistrado. 

At ang mga dayuhan, bukod sa napapanatili ang populasyon, ay nakaka-apekto din sa bahagayng pagpapabagal sa pagtanda ng bansa. Ang average age ng mga dayuhan 34.7, ay may mababa ng 11,5 taon kumpara sa average age ng mga Italians na 46,2.  Kahit ang bilang ng mga dayuhan na nasa sa edad ng pagtatrabaho ay mas mataas din kaysa sa mga malapit nang magretiro mula sa trabaho.

Sa ngayon, kahit ang imigrasyon ay hindi na sapat upang mapalaki ulit ang populasyon ng bansang patuloy na mabilis ang pagtanda.

Basahin din:

(PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako ay Pilipino

Regularization: Anu-anong mga dokumento ang kakailanganin sa Prefettura sa araw ng convocazione?

Ako ay Pilipino

Bakuna laban Covid19, ang plano at ang dosis bawat Rehiyon