in

Decreto Natale, binubuo ng DPCM dec 3 at Dec 18, ang kabuuan ng mga restriksyon

Ako Ay Pilipino

Ang Decreto Natale noong Dec 18 ay hindi pinapalitan ang naunang DPCM noong Dec 3. Bagkus, ang dalawa ay ang kabuuan ng Decreto Natale na bumubuo sa mga restriksyon sa Pasko at Bagong Taon. 

Basahin din:

Narito ang nasasaad sa dalawang DPCM.

Ang DPCM noong Dec 3 ay balido hanggang January 14 na nagbibigay limitasyon sa sirkulasyon sa buong bansa.

  • Dec 21 hanggang Jan 6 – Hindi maaaring lumabas o magpunta sa ibang Rehiyon. May pahintulot lamang ang dahilan ng trabaho, kalusugan at pangunahing pangangailangan;
  • Dec 25, 26 at Jan 1 – Hindi maaaring lumabas o magpunta sa ibang Comune. May pahintulot lamang ang dahilan ng trabaho, kalusugan at pangunahing pangangailangan;
  • Ang curfew sa Dec 31 ay magsisimula ng 10pm hanggang 7 am ng Jan 1. Sa ibang araw ang curfew ay nananatili mula 10pm hanggang 5am.

Ang mga nabanggit na 3 regulasyon ay nananatiling balido

Decreto Natale Ako ay Pilipino

Samantala, ang DPCM noong Dec 18 ay ipatutupad simula Dec 24 hanggang Jan 6, kung saan ang Italya ay sasailalim sa zona rossa (sa araw ng holiday at pre-holidays) at zona arancione (sa ibang araw ng christmas vacation).

Zona Rossa – December 24, 25, 26, 27, 31 at January 1, 2, 3, 5 at 6 

Zona Arancione –  December 28, 29, 30 at January 4

Basahin din:

Ito ay nangangahulugan na ang pagbabawal na lumabas o magpunta sa ibang rehiyon ay hindi magsisimula sa Dec 24, bagkus ay magsisimula ngayong araw Dec 21. 

Gayunpaman, ang pahintulot hanggang 2 katao na bumisita sa ibang bahay, ibang miyembro ng pamilya, kamag-anak o kaibigan, ay ipinatutupad lamang sa mga araw na nasa ilalaim ng zona rossa ang bansa (December 24, 25, 26, 27, 31 at January 1, 2, 3, 5 at 6 ).

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

bagong uri ng coronavirus Ako Ay Pilipino

Bagong variant ng Coronavirus sa UK, higit na nakakahawa

Italya zona rossa December 31 Ako ay Pilipino

Autocertificazione, kailan gagamitin sa ilalim ng Decreto Natale?