Ayon sa ulat ng Ministry of Interior, ay nagkaroon ng mahigpit na pangongontrol sa mga araw ng idineklarang ‘zona rossa’.
Mula Dec 24-27 may kabuuang bilang na 328,976 ang isinagawang pangongontrol ng awtoridad sa buong bansa.
Umabot sa 282,940 katao ang sumailalim sa pagsusuri ng alagad ng batas. 3,732 ng bilang na nabanggit ang namultahan. Samantala, 31 katao naman ang nadiskubreng lumabag sa quarantine.
Bukod dito, namultahan ang 169 owners ng mga commercial activities sa kabuuang 46,036 na ginawang pagkokontrol. May 141 naman ang ipinasara dahil sa ginawang paglabag.
Patuloy ang ginagawang pagbabantay at pagkokontrol sa buong bansa ng mga awtoridad. Ito ay upang masigurado ang pagsunod sa mga protokol na ipinatutupad ng batas. (PGA)
Basahin din:
- Decreto Natale, multa hanggang € 1,000 sa sinumang lalabag
- DPCM Natale: Task Force, binubuo ng 70,000 ahente ng pulisya