in

Regularization 2020, extended ulit ang deadline hanggang January 8, 2021

Extended ulit hanggang January 8, 2021 ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon ng Emersione o Regularization 2020. 

Ito ay ayon sa Department of Civil Liberty and Immigration ng Ministry of Interior. 

Paalala: Ang bagong deadline ay nakalaan lamang sa mga natatanging kaso tulad ng:

  • Nagbayad na ng € 500 bilang kontribusyon ngunit hindi nakapagsumite ng aplikasyon ng Regularization;
  • O sa mga kasong nagkamali at ipinadala ang aplikasyon sa Inps sa halip na sa website ng Ministry of Interior

Ang mga nabanggit na kaso ay binibigyan ng pagkakataong tapusin ang pagsusumite ng aplikasyon hanggang January 8, 2021, pamamagitan ng website ng Ministry of Interior: https://nullaostalavoro.dlci.interno.it/Ministero/Index2

Matatandaang sa pamamagitan ng isang Circular noong November 17, 2020 ay unang nagbigay ng extension o bagong petsa sa deadline. Ito ay nagbigay pagkakataon upang tapusin ang pagsusumite ng mga aplikasyon hanggang December 31, na unang itinakda hanggang August 15, 2020. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

multa sa paglabag Ako a Pilipino

Multa dahil sa paglabag, ngunit may balidong dahilan? Ano ang dapat gawin?

shabu parma Ako ay Pilipino

Shabu seller, timbog sa hotel sa Parma