Ang Europa, sa kasalukuyan, ay may dalawang bakuna na aprubado. Ito ay ang Pfizer-BioNTech, inaprubahan noong Dec 22 at Moderna na inaprubahan noong Jan 6. Inaasahan din ang pagbibigay awtorisasyon sa katapusan ng Enero hanggang Pebrero ng ikatlong bakuna, ang AstraZeneca. Bukod dito ay ang awtorisasyon ng ika-apat sa pagsapit ng Autumn, ang Johnson&Johnson.
Ayon sa naging resulta ng pagsusuri, ang Pfizer-BioNTech ay epektibo ng 95% at ang Moderna ng 94.1%. Dahilan ng pagbibigay awtorisasyon mula sa European Medicines Agency o EMA. Ang parehong nabanggit ay kumpirmadong ibibigay sa mga over70s.
Narito ang ilang katangian ng bakunang Moderna:
- Ang Moderno ay angkop mula 18 anyos pataas;
- Ang ikalawang dosi ng Moderno ay ibibigay makalipas ang 28 araw na pagitan mula sa unag dosis.
- Magkakaroon ng immunity 2 linggo makalipas ang ikalawang dosis sa Moderna;
- Ang Moderna ay nako-conserve sa temparature na -20° ng 6 na buwan, at sa normal na fridge ay 30 araw. Ang pagbabakuna ay maaaring gawin ng Medico di Base kahit sa bahay ng maysakit.
Narito ang ilang katangian ng bakunang Pfizer-BioNTech
- Ang Pfizer-BioNTech ay angkop mula 16 anyos;
- Ang ikalawang dosis ng Pfizer-BioNTech ay makalipas ang 21 araw;
- Ang immunity ng Pfizer-BioNTech ay makalipas ang isang linggo;
- Ang Pfizer-BioNTech ay nangangailangan ng -70° na temperature.
- Dahil dito ay naoobliga na gawin ang pagbabakuna malapit sa ospital.
Sa karagdagang detalye at impormasyon, konsultahin ang Ministero della Salute.
(PGA)