in

Scuola Superiore, handa na ba sa pagbabalik eskwela?

Pagbabalik eskwela Scuola Superiore Ako Ay Pilipino

Kontrobersyal ang pagbabalik eskwela ng Scuola Superiore o High School sa Italya. Sa katunayan, ay tatlong rehiyon lamang ang nagbalik-eskwela sa itinakdang petsa na Jan 11 ng Ministry of Education. At maraming rehiyon ang nag-desisyon na ipagpaliban muna ang pagpasok ng Scuola Superiore.

Ito ay sa kabila ng mga anti-covid19 preventive measures na itinalaga. Kabilang na dito ang mga sumusunod:

  • 50% na presenya lamang ng mga mag-aaral;
  • Pagkakaroon ng turno ng mga mag-aaral sa araw at oras ng pagpasok at pagtatapos ng klase;
  • Pagpapahusay ng sistema ng pampublikong transportasyon;
  • Libreng swab test para sa mga mag-aaral ng High School;
  • Contact tracing.

Narito ang mga Rehiyon at ang petsa ng pagbabalik-eskwela sa Scuola Superiore

January 11, 2021

  • Abruzzo;
  • Toscana;
  • Valle d’Aosta 
  • Provincia di Bolzano.

January 18, 2021 

  • Molise;
  • Puglia;
  • Lazio;
  • Liguria;
  • Piemonte.

January 25, 2021

  • Campania;
  • Emilia Romagna;
  • Lombardi;
  • Umbria.

February 1, 2021

  • Sicilia,
  • Sardegna,
  • Calabria,
  • Marche,
  • Veneto,
  • Friuli Venezia Giulia,
  • Basilicata.

Paghahanda ng mga Rehiyon

LAZIO 

Sinisigurado ng ATAC ang karagdagang 1,500 corse o biyahe at 500 karagdagang biyahe naman ng COTRAL. Bukod dito, ang Rehiyon ay nagbibigay din ng libreng rapid test para sa mga mag-aaral, gamit ang codice fiscal. Narito ang link para sa pagkuha ng schedule. 

LIGURIA

Sa La Spezia ay sinisigurado ang karagdagang 150 corse at karagdagang 50 autobus. Sa Genova ay karagdagang 12 autobus para sa mga mag-aaral. 

TOSCANA

Sa Lucca ay sinisigurado ang karagdagang 70 corse o biyahe at sa Massa ay karagdagang 58

PIEMONTE

Simula Jan 4 hanggang March 31 ay maaaring magpa-schedule ng free swab test o rapid test tuwing ika-15 araw ang mga professors at mag-aaral sa scuola superiore. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy frontliner bakuna laban covid19 Ako Ay Pilipino

Pinoy frontliner sa Italya, nabakunahan na laban sa Covid19

bonus mobilità bonus bici extended application Ako Ay Pilipino

Bonus Mobilità o bonus bici, extended ang application