in

Resolusyon sa ipatutupad na bagong DPCM, aprubado

Resolusyon sa ipatutupad ng bagong DPCM Ako Ay Pilipino

Aprubado ang isinulong na resolusyon ng majority ngayong umaga sa ipatutupad na bagong DPCM. Ito ay tumanggap ng 295 pabor na boto, 220 hindi pabor na boto at 7 naman ang mga hindi sumagot.

Sa pamamagitan ni Health Minister Roberto Speranza ay inilahad sa Kamara ang mga pangunahing nasasaad dito sa pagpapatupad ng bagong DPCM. Posibleng magkaroon umano ng mga pagbabago sa kasalukuyang mga anti-covid19 preventive measures. 

Aniya intension ng gobyerno na dagdagan ang color-coded zone. Bukod sa rossa, arancione, gialla ay posibleng magkaroon ng zona bianca. Intensyon din ang ipagpatuloy ang pagbabawal ng paglabas o pagpunta ng ibang rehiyon, kahit sa zona gialla. Posible ring ipagbawal na ang take out mula 6pm sa mga bar. Maaaring italaga ang pagpasok sa zona arancione ng lahat ng rehiyon na nasa high risk. Kaugnay nito, intensyon din naman ng gobyerno ang muling buksan ang mga museums sa zona gialla. At nais din ng gobyerno na ipagpatuloy ang pagtanggap ng bisita ng hanggang 2 katao lamang na ‘non conviventi’, tulad sa panahon ng Kapaskuhan. 

Bukod dito ay tinalakay din ng Ministro ang patuloy na paglala ng kabuuang sitwasyon ng epidemya sa bansa. Pagdami ng mga bagong positibo, pagdagsa ng mga pasyente sa ICU, at pagtaas ng RT value. “Muli ay pataas ang kurba sa bansa”. Dahil dito ay naniniwala ang gobyerno na pagpapalawig muli ng State of Emergency hanggang April 30, 2021. 

Kaugnay nito, sa Biyernes, January 15, ay muling maglalabas ng bagong oridnansa ang Ministro para sa bagong klasipikasyon ng mga Rehiyon. 

Inaasahang maibabalangkas na ang Bagong DPCM at ang pagpapalawig ng State of Emergency sa Konseho ng mga Ministro mamayang gabi. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

bonus mobilità bonus bici extended application Ako Ay Pilipino

Bonus Mobilità o bonus bici, extended ang application

Gabay sa Ricongiungimento Familiare Ako Ay Pilipino

Gabay sa Ricongiungimento Familiare, unang bahagi