in

Mga Rehiyon, magpapalit ng ‘kulay’ sa Jan. 31

zona arancione rt index Ako Ay Pilipino

Ilang rehiyon mula Liguria hanggang Veneto hanggang sa Sicilia, ang umaasang magpapalit ng ‘kulay’ sa darating na Linggo, January 31. Ito ay sa kabila ng muling pagtaas sa bilang na naitala ng Ministry of Health kahapon. Higit sa 15,000 sa huling 24 oras, datos na hindi na naitatala sa huling 10 araw. 

Gayunpaman, kailangang hintayin ang mga ilalabas na datos bukas, na tumutukoy mula Jan 18-24, updataed hanggang ngayong araw. At ang mga datos na sinusuri ng ‘cabina di regia’ o control room noong nakaraang linggo, kung makukumpirma ngayong linggo, ay inaasahang magdadala sa mga Rehiyon sa mas mababang kulay na restriksyon. 

Upang malipat sa mas mababang kulay ang rehiyon o mula rossa sa arancione, mula arancione sa gailla – ay kailangang magtala ng mas mababang datos sa loob ng 14 na araw. Ito lamang ang magpapahintulot sa pagbaba ng klasipikasyon. 

Halimbawa, ang Lazio region na ngayon ay nasa zona aranacione. Kung sa loob ng huling 14 na araw ay nagtala ng pagbaba sa bilang ng mga kaso ng covid19 na tila datos ng zona gialla. Ito ay magpapahintulot ng bababa sa zona gialla mula zona arancione. 

Inaasahan ang pananatili sa zona gialla ng Toscana, Campania, Trento, Basilicata at Molise. Maaaring makasama na sa zona gialla ang mga rehiyong Calabria, Emilia-Romagna at Veneto. 

Samantala, marahil ay manatili sa zona arancione ang Lazio, Piemonte, Val d’Aosta, Liguria, Marche, Friuli Venezia Giulia, Abruzzo atLombardia. 

Ang final decision, gayunpaman, ay ilalabas bukas, Biyernes Jan 29, ng Ministryn of Health. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Moderna Ako Ay Pilipino

Moderna, epektibo laban variants mula UK at South Africa

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Ano ang parusa sa lalabag sa nilalaman ng Reddito di Cittadinanza?