Batay sa mga datos at mga indikasyon ng Control Room o Cabina di Regia, isang bagong ordinansa ang pipirmahan ni Health Minister Roberto Speranza na ipatutupad simula February 1, 2021. Ito ay ukol są bagong klasipikasyon ng mga Rehiyon: 5 rehiyon sa Zona Arancione at ang iba pang mga Rehiyon ay sa zona gialla na lahat.
Limang (5) rehiyon sa zona arancione:
- Puglia,
- Sardegna,
- Sicilia,
- Umbria,
- PA Bolzano.
Ang ibang rehiyon ay lahat zona gialla na.
- Abruzzi,
- Basilicata,
- Calabria,
- Campania,
- Emila Romagnia,
- Friuli Venezia Giulia,
- Lazio,
- Liguria,
- Lombardia,
- Marche,
- Molise,
- PA Trento,
- Piemonte,
- Toscana,
- Valle D’Aosta,
- Veneto.
Gayunpaman, nananatili ang pagbabawal lumabas o magpunta sa ibang rehiyon, tulad ng nasasaad sa pinakahuling DPCM. Maliban na lamang kung ang dahilan ay trabaho, kalusugan at pangangailangan.
Ang transmission index ay bumaba sa 0.84. Sa huling 24 oras ay nagtala ng 13,574 bagong kaso at 477 naman ang naitalang biktima. Ang positivity rate ay bumaba sa 5%.
Isang magandang balita at inaasahang lalong pababang resulta. “Mahalagang panatilihin ang matinding pag-iingat. Ang hamon ng virus ay nagpapatuloy pa rin”, ayon kay Minister Roberto Speranza sa kanyang posta sa social media. (PGA)