Mayroong mga bonus na sa taong 2021 ay maaaring i-aplay kahit walang ISEE, o ang dokumento na nagpapatunay sa sitwasyon ng kita o sahod ng pamilya.
Bonus Bebè
Ang una sa mga nabanggit ay ang tanyag na ‘bonus bebè’, na isang insentibo para sa mga pamilya na nagkaroon ng isang sanggol, kahit sa pamamagitan ng pag-aampon o binigyan ng pre-custody. Sa kasong walang ISEE ay matatanggap lamang ay ang minimum na halaga ng €80 kada buwan at samakatuwid ay € 960 sa isang taon.
Maaari ring matanggap ang halagang nabanggit kahit, kasabay na tinatanggap ang assegno unico. Sa katunayan, ito ay isang karagdagang allowance, na natatanggap kada buwan hanggang sa pagsapit ng unang taon ng bata o hanggang unang taon ng pagiging bahagi ng pamilya. Ang aplikasyon ay maaaring isumite sa Inps online, sa loob ng 90 araw mula sa kapanganakan o pagiging bahagi ng pamilya na bata.
Bonus Asilo
Para sa 2021, kahit na ang bonus asilo ay maaaring i-aplay kahit walang ISEE. Gayundin sa kasong ito, kahit hindi magsumite ng ISEE, ay makakatanggap ng minimum na halaga ng €1,500.00. Ang bonus asilo ay isang tulong pinansyal na ibinibigay upang makatulong sa pagbabayad ng mga bayarin para sa pampubliko at pribadong asilo nido at/o assistenza domiciliare ng mga bata hanggang 3 taong gulang at may malubhang karamdaman. Kung magsusumite ng ISEE, ay maaaring makatanggap ng mas mataas na halaga na nag-iiba batay sa sahod. Sa kasong ang ISEE ay mas mababa sa 25K, halimbawa, ang halaga ng bonus ay buo, at samakatwid ay € 3,000.
Bonus Mamma Domani
Kabilang sa mga bonus 2021 na maaaring matanggap kahit hindi magsumite ng ISEE ay ang “Mamma Domani”. Kahit ang bonus na ito ay kumpirmado ngunit naghihintay ng assegno unico, na inaasahan sa Hulyo. Ito ay kilala rin bilang “premio di nascita”. Ito ay isang insentibo na nagkakahalaga ng €800 na natatanggap matapos mag-aplay sa Inps. Upang ito ay matanggap ay kailangang gawin ang aplikasyon sa ikapitong buwan ng pagbubuntis,. Ngunit maaari ring mag-aplay pagkapanganak ng sanggol, hanggang bago sumapit ang unang taon ng bata. (stranieriinitalia.it)