in

OWWA Membership renewal, paano gagawin sa panahon ng pandemya?

OWWA Membership renewal Ako Ay Pilipino

Alinsunod sa mga ipinatutupad na mga restriksyon sanhi ng pandemya, ay nagkaroon ng mga pagbabago ukol sa personal o pisikal na pagpunta sa mga ahensya ng pamahalaan, ng Italya man o ng Embahada o Konsulado ng ating bansa. 

Narito ang mga pamamaraan at ilang opsyon upang maipagpatuloy ang OWWA Membership renewal sa panahon ng pandemya. 

Narito ang pamamaraan 

  1. Pagkuha ng APPOINTMENT sa Embahada ng Pilipinas sa Rome Italy at Konsulado ng Milan. 

Link para sa pagkuha ng appointment sa PE Rome

https://www.polorome.com/appointment/owwa/

Link para sa pagkuha ng apponitment sa PCG Milan

https://bookowwa.timetap.com/#/

Ang schedule na ibinibigay sa PCG Milan ay weekly basis. Halimbawa: Ang schedule appointment ngayong linggo ay mula February 8 hanggang Feb 12. Binubuksan ang online appointment para sa bawat linggo tuwing Sabado ng 8am at mananatiling bukas hanggang mapuno ang schedule sa linggong iyon. May quota na 40 slots kada araw ang OWWA Milan.

2. OWWA Moblie APP

Ang mobile APP ng OWWA ay isang opsyon para sa mg Ofws sa Italya na nais mag-renew ng OWWA membership. Tandaan na ito ay para sa renewal lamang at hindi applicable sa first time membership. 

Rome: Apple Store: https://apps.apple.com/us/app/owwa-app/id1437249504

Google Play: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.owwa

Milan: Narito kung paano. http://bit.ly/owwaguide

3. Ang miyembro ng pamilya sa Pilipinas ng Ofw na nasa Italya ay maaari ring mag-renew ng OWWA membership direkta sa OWWA Regional Welfare Office at Satellite Offices. Ang mga regional offices sa Visayas at Mindanao ay bukas Lunes hanggang Biyernes. Dalhin lamang ang mga kinakailangang dokumentasyon. 

  • Kopya ng balidong pasaporte (pahina ng larawan at personal datas),
  • Kopya ng balidong permesso di soggiorno (Oath of Allegiance for Dual Citizens),
  • Kopya ng proof of present employment (pinakhuling bollettino Inps, Busta paga),
  • Authorization letter mula sa Ofw 
  • Kopya ng balidong ID 

4. Ang Membership renewal sa pamamagitan ng e-OMP o electronic Owwa Membership Program ay isang pansamanatalang sistema lamang para sa mga Ofws sa Milan at North Italy upang matugunan ang kasalukuyang pandemya. 

Ang OWWA membership ay may dalawang (2) taong validity na magsisimula sa araw ng pagbabayad. Dapat magrenew at magbayad ulit upang makasiguro sa iyong proteksyon.

Ang OWWA membership ngayong Pebrero 2021 ay nagkakahalaga ng € 20.55

Mga kailangang dokumento sa pagbabayad ng OWWA Kontribusyon

1. Orihinal na PERMESSO/CARTA DI SOGGIORNO (Foreigner’s Permit to Stay);
2. Orihinal at Photocopy ng PASAPORTE;
3. Photocopy ng Latest Proof of Employment (e.g. INPS or Bustapaga)
4. Original na Official Receipt (O.R.) ng huling pagbabayad ng OWWA kontribusyon;

Para sa karagdagang impormasyon: 

Polo Milan: https://www.facebook.com/polomilanofficial

Or email at: owwa_milan@yahoo.com

Polo Rome: https://www.facebook.com/POLORomeIT

Or email at: owwa@polorome.com

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Duomo di Milano Ako Ay Pilipino

Duomo di Milano, muling magbubukas

Muling Pagbabalik sa Pilipinas Ako Ay Pilipino

Matagumpay na muling Pagbabalik sa Pilipinas, posible ba?