Tatlo ang binabantayan at pinangangambahang mga variants sa ngayon. Ang UK variant, Brazil variant at South Africa variant. Ang mga ito ay sanhi ng tinatawag na ‘mutation’ na nagaganap sa virus kapag ito ay nagpapasalin-salin. Nagkakaroon ng ibang katangian na nagpapahintulot upang ang mga ito ay mabuhay.
Kasabay ng pagkalat ng mga bagong variants sa Europa, ay parami rin ng parami ang mga katanungan.
Ito ba ay higit na nakakahawa? Mas delikado ba at mas nakamamatay? Epektibo ba dito ang mga bakuna laban covid19?
Ang tatlong nabanggit na variants ay pinangangambahan. Ayon sa Istituto Superiore di Sanità “Sa kasalukuyan ay ang 3 nabanggit ang maingat na binabantayan. Ang kanilang mga pangalan ay ang lugar kung saan nadiskubre ang mga ito. Sa tatlong vsariants, ang virus ay may mutation sa tinatawag na ‘spike’ na umaatake sa cell”.
UK variant
Ang UK variant ay unang na-isolate noong September 2020 sa Great Britain, habang ang unang kaso sa Europa ay naitala noong Nov. 9, 2020. Ito ay pinaniniwalaang may mas malakas ang pathogenicity at samakatwid ay mas nakakahahawa ng hanggang 70% kumpara sa virus ng kilalang covid19. Ngunit sa ngayon ay walang ebidensya ng negatibong epekto nito sa mga bakuna. Ito ay ang mutation na higit na kilala ng marami at mas napag-aralan na dahil ito ang unang variant na lumabas.
Ayon sa isang propesor ng Policlinico Gemelli ng Roma, ang UK variant ay higit ang mga gastrointestinal symtoms at mas mababa naman ang pagkawala ng lasa at amoy. Mas nakakahawa ng mas maraming tao. Samakatwid ay hindi maiiwasang maapektuhan ang mas maraming tao may karamdaman na.
South Africa variant
Ang South Africa variant ay unang na-isolate noong October 2020 habang ang unang kaso sa Europa ay naitala noong December 28, 2020. Ito ay binabantayan dahil sa may mas mataas na viral load. Dahil dito, sinasabing mas mataas din ang transmissibility nito.
Batay sa mga unang pag-aaral, ay humihinga ang pagiging epektibo ng bakuna sa variant na ito. Ayon pa sa mga pag-aaral, ang South Africa variant ay posibleng maging sanhi ng pagkakasakit ulit ng mga gumaling na sa Covid19.
Brazil variant
Ang Brazil variant ay unang na-isolate noong January 2021 sa Brazil at Japan. Noong Jan. 25, 2021 ay inulat na nasa 8 bansa na, kasama ang Italya. Ito ay binabantayan dahil mas mataas din ang transmissibility nito at dahil ayon sa mga unang pag-aaral, ay posibleng mabasawan ang pagiging epektibo ng bakuna laban dito.
Ang ‘mutation’
Samakatiwd, ang patuloy na sirkulasyon ng Covid19 ay sanhi ng mutasyon nito. “Kadalasan ang mutasyon ay hindi epektibo ngunit kapag nagbigyan ng pagkakataon ang virus, halimbawa ito ay nakahawa, ang resulta ay ang higit na pagdami at mabilis na pagkalat nito”.
Gayunpaman, ang mga bakuna ay maaaring mapalitan sa maikling panahon upang maging higit na epektibo sa mga susunod pang variants. “Ang mga pharmaceutical companies ng bakuna ay pinag-aaralan ang karagdagang dosi upang mabigyan ng higit na proteksyon laban sa mga iba pang variants”, ayon sa ISS.
“Kahit pa mabawasan ang pagiging epektibo, ang bakuna ay maaaring sapat pa rin upang hadlangan ang mas matinding anyo ng sakit. Huwag naman sanang isipin na ang balita ukol sa variants at posibleng mabawasan ang pagiging epektibo ng bakuna ay humantong sa maling paniniwala na ang pagbabakuna ay walang silbi. Hindi. Kailangang magpabakuna sa lalong madaling panahon upang mawalan ang pagkakataon ang virus sa pagdami “.
Gayunpaman, sa pagkakaroon ng mga variants at ang paglaban sa mga ito sa pamamagitan ng bakuna at mga gamot, ay nananatiling ang social distance, pagsusuot ng mask at ang pananatiling malinis ang kamay ang mga pangunahing panlaban sa covid19 at mga variants.
Basahin din:
- Moderna, epektibo laban variants mula UK at South Africa
- Bagong variant ng Covid19, naitala ang 145 cases sa Italya