in

Mga hinaing sa Embahada ng Pilipinas, inilatag. Dyalogo, hiling ng Filcom.

Sa paanyaya ng Sentro Pilipino Chaplaincy, sa pamumuno ng Social Action Commission (SAC) ay ginanap ang consultative meeting noong nakaraang linggo kung saan inilatag isa-isa ang mga hinaing ng filipino community ukol sa mga serbisyo ng Embahada ng Pilipinas.

Hiling ng Filcom ang isang dyalogo sa Embahada ng Pilipinas sa Roma upang maiparating ang mga hinaing na ito, marinig ang panig ng Embahada at inaasahang mahanapan ng magkabilang panig ang mga solusyon sa mga suliraning pinagdadaanan ng komunidad, partikular sa panahon ng pandemya.

Sa katunayan, kabi-kabila ang mga posts sa social media na may halong galit ukol sa pahirapang komunikasyon sa embahada upang harapin ang mga problema. Walang tugon kahit sa tawag sa Emergecy o Hotline number nito. At kadalasan, kapag kaharap na ang empleyado ng embahada ay hindi man lang maibsan ang bigat na dala ng Ofw bagkus ay nadoble o bumigat pa. 

Partikular, narito ang ilang hinaing ng mga Pilipino sa Roma at South Italy

  1. Consular Services – Ang pagkuha ng appointment sa pamamagitan ng online platform ay naging sanhi ng kabi-kabilang poblema ng mga Pilipino. Ang appointment na nakukuha ay kadalasang makalipas na ang panahong kinakailangan upang makapag-renew ng permesso di soggiorno, tessera sanitaria at iba pang dokumento kung saan pangunahing kailangan ang balidong pasaporte. Hiling ang konsiderasyon sa panahon, dahil ang ibinibigay na appointment ay para sa taong 2022 na. Hiling ang konsiderasyon para sa mga senior citizen na hindi marunong gumamit ng internet. Konsiderasyon din sa mga kababayang fuori Roma galing, dahil sa kabila ng mga restriksyon o pagbabawal na magpunta ng ibang rehiyon ay nagtutungo ang mga kababayang Ofw sa Embahada.
  2. OWWA services – Ayon sa mga dumalo sa pagtitipon, nahihirapan din ang mga OWWA members na mai-renew ang kanilang membership. Ang ilan naman ay tinanggihan sa pagiging miyembro. Bukod dito, hiling ng komunidad ang pagbibigay linaw sa isyu ng human remains repatriation. Ano ba ang benepisyong nakukuha ng yumaong na sa panahon ng pandemya? Hilling ng mga senior citizen ang lifetime membership upang ang kanilang ibinayad ng higit sa sampung taon naman ay kanilang mapakinabangan. 

Susundan ang nasabing consultative meeting sa Biyernes, February 12, 9pm at inaanyayahan ang partisipasyon ng mga lider ng iba’t ibang organisasyon at mga indibidwal sa Roma at South Italy na sakop ng hurisdiksyon ng Embahada ng Pilipinas sa Roma.

Hinaing sa Embahada ng Pilipinas Ako Ay Pilipino

Ang partesipasyon ng mas nakakarami ay pwersang magbibigay sa komunidad upang matugunan ang mga usaping ihahain sa hiling na dyalogo. 

Narito ang link via zoom ng pagtitipon: https://zoom.us/meeting/register/tJ0lce6trzgvGtRdI8JCw7FxcAKGLJjF-gEM

(ulat ni: PGA – larawan at video ni Boss Ramos)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang Assegno Unico?

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Mga Permesso di Soggiorno ng Italya, susunod sa European standards