Simula noong nakaraang Jan 2021 ay aktibo ang bagong website https://portaleserviziapp.dlci.interno.it/AliCittadinanza/ali/home.htm para sa pagsusumite ng mga aplikasyon ng citizenship by marriage (Modello A) at citizenship by residency (Modello B).
Ang dating website (http://nullaostalavoro.dlci.interno.it/) ay mananatiling aktibo para sa mga aplikasyon sa ilalim ng pangangalaga ng Sportello Unico Immigrazione tulad ng ricongiungimento familiare, flussi stagionali, conversione permesso di soggiorno, accordo d’integrazione at test di italiano.
SPID (Digital Identity), kailangan sa bagong website
Simula January 2021, kahit sa access sa bagong website para lamang sa italian citizneship ay obligado ang pagkakaroon ng SPID, o ang public digital identity na kinakailangan para sa Public Administration. Samakatwid, hindi na makaka-access gamit ang simpleng username.
Sa website mismo, kapag pinili ang “Non hai SPID?” ay ipapadala ang link https://www.spid.gov.it/richiedi-spid, kung saan maaaring pumili ng provider para sa activation ng Spid. Kailangan lamang ang e-mail address, tel. number at isang balidong dokumento (kahit ang pasaporte).
PAALALA: Hihingin ang identity verification ng aplikante ng Spid: ang ilang provider ay nagpapatuloy sa personal na verification ng aplikante (hal ang Poste Italiane), sa ibang kaso naman ay pinahihintulutan ang pagami ng webcam o sa pamamagitan ng Carta d’identità Elettronica o Firma Digitale.
Para sa mga nagsumite ng aplikasyon sa lumang pamamaraan
Kinakailangan pa rin ang pagkakaroon ng SPID upang masubaybayan ang status ng aplikasyon at magkaroon ng access sa anumang komunikasyon sa hinaharap.
Nagsumite ng aplikasyon na walang SPID, narito ang dapat gawin
Tulad ng indikasyon ng Ministry of Interior, para sa mga nagsumite ng aplikasyon ng italian citizenship gamit ang simpleng username at password ay maaaring magkaroon ng access sa bagong website gamit ang SPID.
Pagka-access ay kailanagng sundin ang sumusunod na hakbang:
- Magpunta sa Cittadinanza->Associa pratica->
- I-click ang Associa pratica at
- Ilagay ang hinihinging datos, ang Numero Pratica. ay tumutukoy sa numero na makikita sa resibo mula sa Ministry of Interior matapos isumite ang aplikasyon online. Hindi ito tumutukoy sa K10.
Aplikante ng Citizenship na ang residence ay hindi sa Italya
Sa mga ganitong kaso, ang mga residente sa ibang bansa at nag-aplay ng italian citizenship ay maaring:
- Mag-access gamit ang SPID,
- O ang gumamit ulit ng username sa pamamagitan ng “accedi senza Spid”. Ito ay esklusibong para sa mga residente sa ibang bansa lamang.
Samakatwid, ay maaaring gawin ang Associa pratica sa pamamagitan ng hakbang na ito:
- Magpunta sa Cittadinanza->Associa pratica->
- I-click ang Associa pratica at
- Ilagay ang hinihinging datos, ang Numero Pratica. ay tumutukoy sa numero na makikita sa resibo mula sa Ministry of Interior matapos isumite ang aplikasyon online. Hindi ito tumutukoy sa K10.
Isinumite ang aplikasyon ng Citizenship sa pamamagitan ng papel na aplikasyon
Upang malaman ang status ng isimuiteng papel na aplikasyon, ay kailangang mag-access gamit ang SPID o ang bagong credentials para sa mga residente sa ibang bansa:
- Magpunta sa Cittadinanza->Associa pratica->
- I-click ang “Primo accesso alla domanda cartacea”
- Ilagay ang mga hinihinging datos.
Impormasyon ukol sa status ng aplikasyon
Nagbabago na rin ang pamamaraan upang masubaybayan ang status ng aplikasyon. Lahat ng hihinging impormayson at ilalakip na dokumentasyon ay kailangang ipadala sa website comunicazione.cittadinanza@pecdlci.interno.it
Bukod dito, ay nagbigay din ng mga tel. numbers na maaaring tawagan para sa impormasyon:
06/46539955 – Monday/Wednesday
3346909996 – Wednesday
3316536673 – Friday
Pag-fill up ng aplikasyon:
Sa pag-fill up ng aplikasyon, ay kailangan lamang piliin ang uri ng form na kailangan: Modello A- para sa citizenship by marriage at Modello B para sa citizenship by residency at sagutan ang mga sumusunod:
- Personal datas ng aplikante;
- Judicial status – kung may conviction o pending criminal procedings)
- Employment at salary,
- Datos ng mga miyembro ng pamilya,
- Impormasyon ukol sa residence,
- Sertipiko ukol sa italian language
Narito ang link para sa instruction.
Avv. Federica Merlo para sa stranieriinitalia.it https://stranieriinitalia.it/normativa-immigrazione/cittadinanza-come-funziona-il-nuovo-portale-la-guida-dei-nostri-esperti/