Ang ISEE o Indicatore della Situazione Economica Equivalente ay ang indicator na ginagamit upang masukat ang kabuuang katayuang pinansyal ng isang pamilya, o ng lahat ng miyembro ng bumubuo ng tinatawag na ‘Stato di Famiglia’.
Sa Italya, ito ay ang pangunahing sanggunian upang matiyak ang karapatan sa patanggap ng karamihan sa mga benepisyo at mga bonus mula sa gobyerno. Isinasaalang-alang nito ang mga sumusunod: halaga ng kita o sahod, movable and real estate properties pati na rin ang mga partikular na sitwasyon ng pamilya (pagkakaroon ng mga menor de edad o may kapansanan/invalids), at lahat ng impormasyon na kinakailangan sa Dichiarazione Sostitutiva Unica (DSU), na balido hanggang sa December 31, 2021 bilang reference year.
Bakit mahalaga ang ISEE
Bilang indicator ito ay nagpapahintulot na masuri kung ang pamilya ay maaaring magkaroon ng access sa mga serbisyo at benepisyo batay sa kundisyong pinansyal tulad ng mga sumusunod:
- Reddito di cittadinanza,
- Diskwento sa mga house bills (kuryente, tubig at gas),
- Bonus affitto,
- Diskwento sa university taxes,
- Diskwento sa transportasyong publiko,
- Bonus bebè, bonus asilo nido at iba pang benepisyo para sa mga menor de edad.
Uri ng ISEE
Bukod sa ISEE ordinario, ay maaaring mag-request ng partikular na uri ng ISEE para sa ilang serbisyo tulad ng:
- ISEE Minorenni: para sa pagtangggap ng mga benepisyo na nakalaan para sa mga anak na menor de edad ng mga magulang na hindi kasal at hindi magkasama sa bahay;
- ISEE Sociosanitario: para sa pagtanggap ng mga benepisyo na nakalaan sa mga may kapansanan;
- ISEE Universitari: para sa pagtanggap ng mga benepisyo na nakalaan sa pag-aaral sa unibersidad.
Paano magkaroon ng ISEE
Upang maitalaga ang ISEE, ang aplikante ay kailangang gawin ang Dichiarazione Sostitutiva Unica (DSU), ang dokumento na nagtataglay ng mga personal datas ng buong pamilya, partikular:
- ang komposisyon ng pamilya;
- ang tinitirahang bahay;
- ang personal na data ng bawat indibidwal na miyembro ng pamilya;
- movable assets;
- real estate properties;
- kita o sahod;
- anumang natanggap na benepisyo;
- ang pagkakaroon ng sasakyan.
Ang ilang datos – personal at ukol sa mga assets – ay maaaring gawin sa pamamagitan ng Autodichiarazione (kung saan ang nagdeklara ay nangangakong tinatanggap ang responsibilidad), habang ang iba naman ay direktang ibinigay ng Agenzia dell’Entrate at INPS.
Kapag na-encode na ang mga impormasyon mula sa nag-deklara pati ang mga datos mula sa Agenzia dell’Entrate, ang ISEE ay magagawa ilang araw matapos aprubahan ng Inps.
Ang ISEE ay maaaring gawin sa pamamagitan ng:
- CAF,
- Consulente di lavoro,
- Personal, o ang tinatawag na Precompilato, sa website ng INPS (gamit ang SPID), sa seksyon na na ‘Compilazione della DSU’ https://servizi2.inps.it/servizi/IseePrecompilato/home.aspx
ni: Avv. Federica Merlo para sa Stranieri in Italia – https://stranieriinitalia.it/normativa-immigrazione/isee-a-cosa-serve-e-come-chiederlo-la-guida-dei-nostri-esperti/