Arancione scuro, tinatawag din na arancione rafforzata, ito ang bagong kulay sa klasipikasyon ng sitwasyon ng covid19.
Ito ay ang karagdagang kulay na ibinibigay ng awtoridad sa mga rehiyong nasa ilalim na ng zona arancione, upang higit na palawigin pa ang restriksyon ngunit hindi naman isasailalim sa zona rossa o lockdown.
Mga pagbabago sa arancione scuro
Ang pangunahing pagbabago para sa mga naninirahan sa bagong kulay na ito, ang arancione scuro o aracione rafforzato ay ang mga sumusunod:
- Pagbabawal na magpunta ng ibang bahay;
- Ipinagbabawal din ang magpunta sa second house;
- Hindi maaaring magpunta ng ibang Comune, kahit na ang populasyon nito ay mas mababa sa 5,000 residente;
- Maaari lamang magpunta sa pinakamalapit na Comune kung ito ay isang pangangailangan;
- Ang mga paaralan mula elementarya ay nasa DAD o didattica distanza (o online class).
- Ang mga bar at restaurants, tulad sa zona arancione ay bukas para sa take out lamang at home deliveries lamang.