in

Konsultasyon ukol sa Imigrasyon, hatid ng Migreat App – Stranieri in Italia

Konsultasyon ukol sa Imigrasyon, hatid ng Migreat App - Stranieri in Italia

Mula ngayong araw, ay magbibigay ng Konsultasyon ang mga eksperto sa Migreat app ng Stranieri in Italia, para sa iba’t ibang isyu ukol sa imigrasyon tulad ng citizenship, trabaho at iba pa. Ang mga users, ilang pindot lamang sa screen ng kanilang mga cell phones ay matatagpuan, bukod sa mga balita sa iba’t ibang forum, ay maaari na ring mag-request ng Konsultasyon, kung saan makaka-usap ang mga eksperto sa imigrasyon simula ngayong araw.

Ang Migreat App – Stranieri in Italia ay isang libreng instrumento para sa mga Android users, upang makatulong sa integrasyon ng mga migrante, ang mga bagong Europeans na lumilikha ng kanilang mga bagong karanasan. Ang layunin ni Migreat ay upang mapadali ang access ng mga dayuhan sa Italya sa impormasyon sa pamamagitan ng high technology. Ang social innovation ay sa pamamagitan din ng pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa simpleng paraan. 

Malaki ang potensyal ng bagong app: maaaring mabigyang lunas ang problema sa paghahanap ng isang lugar kung saan maaaring talakayin kahit ang mga pinakamamabigat na suliranin. Pinag-uusapan natin ang pagtanggap at pagiging bahagi ng mga migrante ng lipunan. Ilang taon na rin sa katunayan na binigyang pansin ang App bilang paraan upang matulungan ang mga migrante na harapin ang hamon sa bagong buhay sa isang bagong bansa. Hinarap ng Stranieri in Italia ang hamon na ito at ngayon naman ay inilulunsad ang bagong paraan, bunga ng 20 taong karanasan sa sektor.

Ang lakas ng bagong Migreat App – paliwanang ni Victoria Leonhardt, ang director ng Migreat – ay nagpapahintulot na malutas ang mga pang-araw-araw at kongkretong isyu sa pamamagitan ng pag-book ng konsultasyon sa isang eksperto direkta mula sa App. Ang teknolohiya sa impormasyon ay isang bagong bagay sa publiko: magsisimula kami mula dito para sa inaasahang pagbabago nang lipunan sa kasalukuyan at sa nalalapit na kinabukasan“. (Stranieriinitalia.it)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Malakas na nga ba si Maganda?

Covid19 at Bakuna, isang webinar para sa mas malalim na kaalaman