in

Pangulong Sergio Mattarella, binakuhan na laban Covid19

Pangulong Sergio Mattarella, binakuhan na laban Covid19

Tumanggap na din ng unang dosis ng bakuna laban Covid19 (Moderna) kahit si Pangulong Sergio Mattarella. 

Kaninang umaga, sa Spallanzani Institute ay tinanggap ng Pangulo ng Republika Sergio Matarella ang kanyang unang dosis ng bakuna laban Covid19. 

Ito ang inanunsyo ng Quirinale sa social media lakip ang larawan ng Pangulo habang naghihintay ng kanyang turno. 

Ang pagbabakuna ng Pangulo ay bahagi vaccination program ng Ragione Lazio. Kasalukuyang nagaganap sa Roma ang kampanya ng pagbabakuna sa mga ipinanganak ng taong 1941 at mga naunang taon. 

Matatandaang inanunsyo ng Pangulo ang kanyang desisyong magpabakuna sa kanyang speech bago magtapos ang taon. Aniya, “Ang pagbabakuna ay isang tungkulin. Higit sa lahat para sa mga nagtatrabaho sa ospital o klinika na nag-aalaga sa mga maysakit. Sa harap ng nakakahawang sakit, na nagiging sanhi ng pagkamatay ng maraming tao, ay kailangang pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa at isang obligasyon ang proteksyunan ang ibang tao, miyembro ng pamilya, kamag-anak, kaibigan at mga kasama sa trabaho. Ako ay magpapabakuna, matapos ang mga kategorya na mayroong priyoridad”. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Covid19 at Bakuna, isang webinar para sa mas malalim na kaalaman

Halaga ng Repatriation, tumaas sa € 1,905.00