in

Italian citizenship by residency, sino at paano mag-aplay sa taong 2021

Ako ay Pilipino
Italian citizenship by residency, sino at paano mag-aplay sa taong 2021

Batay sa artikulo 9, talata 1, letra f, ng Batas 91/1992, ang mga non-EU nationals ay maaaring mag-aplay at pagkalooban ng Italian citizenship by residency kung makakatugon sa mga pangunahing kundisyong itinalaga ng batas tulad ng:

  • Residency,
  • Sahod o kita,
  • Kaalaman sa wikang italyano.

Sino ang maaaring mag-aplay ng Italian citizenship by residency? 

Maaaring mag-aplay ang mga dayuhan ng third countries na: 

  • Regular na naninirahan sa Italya ng sampung taong sunud-sunod,
  • Mayroong sahod o kita na hindi bababa sa € 8.263,31 at nagiging € 11.362,05 kung may dependent na asawa at ang huling halagang nabanggit ay nadadagdagan ng € 516,00 para sa bawat dependent na anak. Ang sahod o kita ay tumutukoy sa kabuuang sahod ng pamilya o reddito familiare, tulad ng asawa, anak, magulang at kapatid na kasamang naninirahan sa iisang bahay.

PAALALA1: Ang sahod ng live-in partner ay isasaalang-alang kung civilly united. 

PAALALA2: Ang mga domestic workers ay kailangang magsumite ng dokumentasyon ukol sa sahod (CUD) at dichiarazione dei redditi, kung saan makikita ang regular na pagbabayad ng buwis.

  • Kaalaman sa wikang italyano na hindi bababa sa level B1 ng Common European Framework of Reference for Languages (CEFR).

Paraan ng pagsusumite ng aplikasyon 

Ang aplikasyon ay maaaring isumite online sa website ng Ministry of Interior https://portaleserviziapp.dlci.interno.it/AliCittadinanza/ali/home.htm

Simula noong September 2020, ay obligado ang pagkakaroon ng SPID – ang digital identity para sa access sa Public Administration. 

Narito ang gabay sa paggamit ng bagong website: 

Ang aplikasyon, pagkatapos, ay ipapadala sa Prefettura na kinasasakupan, batay sa address ng aplikante. 

Matapos mag-registered sa website ay maaaring gawin ang sumusunod: 

  • Mag fill-up at magsumite ng application form,
  • Makontrol ang estado ng aplikasyon,
  • Matanggap sa Area Personale ang mga komunikasyon mula sa Prefettura at Ministry of Interior, ukol sa appointment sa pagsusumite ng orihinal na mga dokumento, paglalakip ng karagdagang dokumento, abiso ng pagtanggi o positibong pagtatapos ng aplikasyon. 

Ipinapaalala na palaging kontrolin ang email, kung saan ipapadala ang mga abiso ukol sa komunikasyon sa website. 

Ang Halaga ng Kontribusyon

Ang aplikasyon sa Italian citizenship ay napapailalim sa pagbabayad ng kontribusyon na nagkakahalaga ng € 250,00. Ito ay babayaran sa Poste Italiane sa account number na 809020 sa pangalan ng “Ministero dell’Interno DLCI – Cittadinanza”.

PAALALA: Sa kasong negatibo ang resulta ng aplikasyon ay hindi ibabalik sa aplikante ang kontribusyon.

Ilalakip na dokumentasyon

  • BIRTH CERTIFICATE: Orihinal mula sa Pilipinas kung saan nasasaad ang lahat ng pagkakakilanlan, pati ng mga magulang.

Sa kasong ang aplikante ay isang babae at ginagamit ang surname ng napangasawa na hindi nasasaad sa birth certificate ay kakailangan rin ang original na Certification buhat sa Embahada ukol sa magkaibang apelyido.

  • POLICE CLEARANCE: Ang aplikante ay dapat magsumite ng Police o NBI Clearance buhat sa Pilipinas. Ito ay balido lamang ng anim na buwan mula są datę of issue ito. Makalipas ang panahong nabanggit ay kakailanganing muli ang panibagong mga dokumento.

Ang dalawang nabanggit ay kailangang may apostille mula sa DFA o mga ahensya nito, may translation at authentication. 

Basahin din: Paano ang legalization ng mga dokumento mula sa Pilipinas? Ano ang tinatawag na Apostille?

Karagdagang Dokumentasyon

  • Sertipiko ng italian citizenship ng magulang o ng ninuno hanggang II degree (Art. 9, c.1, letra a)
  • Final adoption papers mula sa Tribunale (Artikulo 9, talata 1, letra b);
  • Dokumentasyon na nagpapatunay ng pagbibigay serbisyo sa estado, kahit sa ibang bansa(Artikulo 9, talata 1, letra c);
  • Sertipiko ng pagkilala bilang stateless o refugees (Artikulo 9 talata 1, letra e) – Artikulo 9 talata 1 letra e) – Artikulo 16 talata 2);

AUTOCERTIFICAZIONE

Maaaring gawan ng Autocertificazione ang mga sumusunod: 

  • Stato di famiglia, na nagpapatunay ng komposisyon ng pamilya;
  • Petsa ng unang pagpasok sa Italya;
  • Sampung taon ng pagiging residente sa Italya, na may eksaktong indikasyon ng pagpaparehistro at paglipat sa ibang Comune. Ang mga impormaysong ito ay ibinibigay ng Comune;
  • Natanggap na sahod sa huling tatlong taon at regular na paggawa ng dichiarazione dei redditi (UNICO, 730). 

Sertipiko ng kaalaman sa wikang Italyano

Simula October 2018 ay kailangang patunayan ang kaalaman sa wikang italyano sa pag-aaplay ng Italian citizenship sa antas na B1 ng Quadro Comune Europeo di Riferimento per Le Lingue o QCER.

Ang sertipiko na may antas B1 bilang patunay na sumailalim sa Italian language test ay maaaring ibigay ng mga paaralang kinikilala ng Ministry of Foreign Affairs, Ministry of Education tulad ng:

  • University of Roma Tre (http://www.certificazioneitaliano.uniroma3.it/);
  • Unibersidad para sa mga dayuhan ng Perugia – CELI (https://www.cvcl.it/);
  • Unibersidad para sa mga dayuhan ng Siena – CILS (https://cils.unistrasi.it/)
  • Dante Alighieri Society – PLIDA (https://plida.it/).

Basahin din: Sertipiko ng kaalaman sa wikang Italyano, kailangan din ba sa aplikasyon ng Italian citizenship by marriage?

Hindi kasama sa obligasyong patunayan ang kaalaman sa wikang italyano ng mga sumusunod:

  1. Dayuhang mamamayan na nagtataglay ng diploma/kwalipikasyon na inisyu ng isang pampubliko o pribadong institusyong pang-edukasyon na kinikilala ng Ministriy of Foreign Affairs;
  2. Dayuhang mamamayan na nagtataglay ng diploma/kwalipikasyon na inisyu ng isang pampubliko o pribadong institusyong pang-edukasyon na kinikilala ng Ministriy of Education (MIUR);
  3. Dayuhang mamamayan na nagtataglay ng diploma/kwalipikasyon na inisyu ng mga institusyong pang-edukasyon na kinikilala ng MAECI (Mga Italian school sa ibang bansa);
  4. Dayuhang mayroong EC long term residence permit o permesso CE per lungo soggiornanti;
  5. Dayuhang mayroong ‘lumang’ permesso CE per lungo soggiornanti na inisyu mula Disyembre 9, 2010;
  6. Dayuhang pumirma sa Accordo di Integrazione na tinukoy sa Artikulo 4-bis ng Testo Unico per Immigrazione;
  7. Dayuhang pumasok sa Italya sa pamamagitan ng Ricongiungimento familiare at Coesione familiare. 

(ni: Avv. Federica Merlo para sa stranieriinitalia.it)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

ako-ay-pilipino

Ano ang makukuhang tulong ng mga Pilipino na nahawahan ng Covid-19 mula sa OWWA?

Positivity rate, tumaas sa 6.9%. Siyam na rehiyon, marahil sumailalim sa zona rossa.